Chapter Forty-eight "Zie, hindi ko ito matatanggap. Mukhang mamahalin," iyon agad ang bungad ko kay Mackenzie. Pinatulog ko lang si Avery sa tabi ni Prim. Nang tiyak na akong tulog na ang bata ay pinuntahan ko na ang kapitbahay. Mukhang sinadya rin naman ni Zie na hindi magpakita sa akin kanina. Kaya ngayon kinailangan ko pa itong puntahan. Sumenyas ito sa akin na umupo sa tabi niya. Umupo naman ako at sabay abot na rin ng box ng jewelry. "Ito na. Nandyan iyong hikaw, kwintas, at bracelet. I think iyong bakanteng part ay singsing. Pero wala d'yan. Hindi ko kinuha ha. Pag-open ko ay wala talaga d'yan---" nahinto ako sa pagsasalita. Parang slow motion ang lahat. Lalo na ang pagsuot nito ng singsing sa daliri ko. "Iyan ang singsing, Lia," seryosong ani ng lalaki. "Zie---" ani ko. "Gus

