Chapter Twenty-seven 6 pm pa lang ay sarado na ang tindahan. Malakas kasi ang ulan at tiyak kong ano mang oras ay magbro-brownout na. Maaga ko ring pinakain si Avery para maaga ko itong mapatulog. Ngayon ay 7 pm na. Bigla na lang umiyak ang bata sa hindi ko malamang dahilan. Karga ko ito at sinusubukan patulugin. Baka kasi inaantok lang. Nang nag-ring ang phone ko ay umupo muna ako sa couch. Tuloy pa rin ang iyak ni Avery. "Anak, tahan na," ani ko sa bata bago sinagot ang tawag ng kapitbahay. "Okay lang ba kayo d'yan?" tanong nito sa akin. "Umiiyak ata si Avery?" "Oo eh. Hindi ko mapatahan. Hindi ko nga alam kung bakit iyak nang iyak. Avery, naririnig ka ni Uncle Zie. Tahan na, anak," alo ko sa batang mas lalong nilakasan ang iyak. "Gusto ko Uncle Zie!" tili pa nito saka mas lalong ng

