Abala sa kanyang ginagawang trabaho si Uno. Nasa loob siya ng kanyang opisina. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa screen ng kanyang laptop at walang humpay sa pagta-type. Kailangan niyang matapos ang kanyang ginagawa dahil ipapasa niya ito mamaya. Napabuntong-hininga siya. Pamaya-maya ay napatigil si Uno sa kanyang ginagawa at napatingin sa pintuan ng kanyang opisina. Bumukas iyon at pumasok si Hazel. Ngumiti nang tipid si Hazel. Kumunot naman ang noo ni Uno. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Uno. “May naghahanap sayo,” wika ni Hazel. Lalong lumukot ang noo ni Uno. Nagsalubong na din ang kilay niya. “Tawagin ko lang siya,” saad ni Hazel. Napatango-tango na lamang si Uno. Tumalikod si Hazel saka lumabas ng opisina ni Uno. Nanatili namang nakatingin si Uno sa pintuan ng kanyang opi

