“Tulog na siya?” pagtatanong ni Uno kay Lyndon nang bumalik ito sa sala matapos nitong ihatid at patulugin si Timothy sa kwarto nito. Napangiti si Lyndon saka tumango-tango bilang sagot kay Uno. Tumango-tango naman si Uno saka tipid na ngumiti. “Masyado siguro siyang napagod sa paglalaro kaya kaagad ding nakatulog,” wika ni Uno. “Parang ganun na nga,” pagsang-ayon naman ni Lyndon sa sinabi ni Uno. Napabuntong-hininga nang malalim si Uno. “Sige at uuwi na rin ako,” pagpapaalam ni Uno. “Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa bahay niyo.” Napangiti naman si Lyndon. “Wala iyon. Lagi kang welcome dito.” Napangiti naman si Uno. Tumayo na si Uno mula sa pagkakaupo sa sofa at maglalakad na sana papunta sa pintuan ng bahay pero pinigilan siya ni Lyndon. Napatingin siya sa nakahawak ni

