Nakahiga si Kate sa kanyang kama. Nakabalot sa kanyang katawan ang kumot. Nakapikit ang mga mata nito at makikita sa kanyang mukha na dumadaing siya sa sakit. Mabigat ang pakiramdam at matindi ang p*******t ng ulo ni Kate kaya hindi siya makakilos ngayon ng mabuti. Epekto ito ng kanyang pagbubuntis at simula kahapon, ganito na ang pakiramdam niya tuwing umaga. Dumilat ng kaunti ang mga mata ni Kate nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Nakita niyang pumasok dito sa loob si Uno na may bitbit na tray at naglalaman iyon ng isang basong tubig at mangkok ng lugaw. Napatingin si Uno kay Kate. Kakikitaan nang pag-aalala ang mukha nito. Naglakad ito palapit sa mesa na nasa gilid ng kama saka nilapag doon ang dala niya. Tumayo si Uno sa gilid ng kama at muling tiningnan si Kate.

