Chapter 17

1898 Words
Alex's POV. "Okay, hinga malalim, Hindi mo mararamdaman yan, parang kagat lang ng langgam yan" sabi ni Xymon sa batang nasa harapan ko, Iinjectionan ko kase ito. "Sure ka ate?" tanong nito. "Aba, Oo naman! Ito pang Reese KO! Ang galing galing nyang doktor, kaya ayun! Hinga na ng malalim" Natawa na lang ako, Nasasanay na kase ako sa pagdugtong nya ng word na KO sa pangalan ko na para bang pagma may ari nya ko. "Done" sabi ko. Nung matapos ang pag iinjection ko. "Oo nga ate, Hindi nga masakit, Ang galing ng boyfriend mo" sabi nung bata. Namula ng todo si Xymon. "Okay guys! That's it for today! Let's enjoy for a while!" sigaw ni Doctor Mariano sabay inakbayan ang mapapangasawa nya. Nasa medical mission kami ngayon dito sa palawan.  Kanina pa kaming 5am nagsimula at it's almost 2pm in the afternoon. Sinama at niyaya ko si Xymon na sumama samin. Wala lang, pakiramdam ko kase boring dito. 2days tong medical mission, so meron pa bukas. "Reese! Let's go out! Libutin natin tong palawan!" masaya at excited nyang sabi. "Ayoko Xy, magpapahinga na lang ako sa hotel room ko, maaga pa bukas" "Please, please naman! Gusto ko talagang makita yung mga island dito e" nag pout sya at yumuko. Nakatayo kami sa init ng araw dahil nagsimula ng ligpitin ang mga tent. Naka beach shorts at sando sya na pinatungan nya lang ng polo. Naka sandals din sya. At naka pony tail ang mahaba nyang buhok. "Okay, Okay, mapilit ka e, Magpapalit lang ako ng damit ko" sabi ko, bago tumalikod. Pagkababa ko mula sa hotel room ko ay nakita ko si Lianne na nasa lobby na, magkatabi lang ang room namin. Nagpalit din pala sya. Naka beach dress na sya na above the knee kaya kitang kita kong pinagtatampisawan nung mga lalaking napapadaan yung legs nya. Xymon is really careless. "Tara na?" sabi ko sa kanya. Tumango naman sya. Kumain muna kami ng meryenda sa isang kilalang seafood restaurant dito. Nag stroll sa isang nearby beach. Bumili rin kami ng kung anu anong pasalubong at remembrance dito. Mag aalas singko na ng hapon ng yayain ako ni Lianne na pumunta sa isa sa kilalang island dito. Pumayag naman ako since I'm already having fun with her. Nagbangka kami papunta sa island na yun, it took us half an hour. Pagkababa namin doon ay sobrang na mesmerize ako sa ganda ng lugar, Iilan lang ang mga tao dito. May mga lodge din pala dito. Pero di hamak na mas maganda itong island na ito kesa sa pinanggalingan namin kanina. Nilibot namin ni Xymon yung buong isla, Hindi nga namin halos napansin na madilim na pala. Sobrang nag enjoy kami. Pulot ng pulot si Xymon ng mga kabibe at kung anu ano. Para syang bata. Tiningnan ko ang relo ko it's 7:38pm. "Xy? Uwi na tayo, kailangan na nating magpahinga para bukas" sabi ko. Excited ako kase unang medical mission ko ito. Mahilig talaga ako sa ganito kaya excited akong gawin ulit ito bukas. "Sige Reese, pagod na din naman ako" sabi nya. Lumapit kami sa mga bangkero na nagdadala pabalik sa kabilang isla. "Kuya, pasakay po, pabalik po dun sa kabilang isla" sabi ni Xymon. Nagtawanan yung mga bangkero. "Hija, nakikita mo ba ang tubig, High tide ngayon, hindi na pwedeng bumiyahe dahil lumalakas na din ang alon" sagot nung bangkero kaya nagpanting ang tenga ko. "Ano? Hindi po pwedeng byumihe?! Hindi po pwede yun kailangan namin makabalik agad! Ako lang po ang available surgeon para bukas, We need to get back there immediately" sigaw ko. "Reese, wag kang sumigaw, Uhm. Manong, may pwede pa po bang masakyan na iba?" tanong ni Xymon pero umiling yung matanda. Kaya napahawak na lang ako sa noo ko para pigilin ang inis ko. "Mga anong oras po kaya kayo makaka biyahe para bukas?" dagdag na tanong nya. "Mga alas otso na iyan hija" sagot nito. Kaya hindi ko na napigilan ang inis ko. Alas singko ang simula ng trabaho ko kapag may mangyaring masama doon at ako ang espesyalistang nakatalaga. Kahihiyan iyon bilang doktor. Sa sobrang inis ko ay nag walk out na lang ako. Hindi na ko nagulat ng habulin ako ni Xymon "Reese, saglit lang naman, okay lang naman ma late ka bukas may rason naman e, ang problemahin na lang natin ay kung san tayo matutulog" sabi nya kaya mas nainis ako. "Para sayo ganyan lang kadali?! Hindi mo alam kung gano kahalaga para saken ang trabaho ko, Alam mo kasalanan mo to e!" "Reese naman, wag mo naman akong sisihin" "Anong wag?! Ikaw kasi yung mapilit na umalis! Yung mapilit na magpunta dito! Eh di ano ngayon?! We're stuck here! I'm stuck with you! Pinipilit mo kase yung gusto mo!" "So, ang big deal sayo ay dahil you're stuck with me?" sabi nya. Nangangatal na yung boses nya. Nakikita kong pinipigilan nyang umiyak. Maybe she's right, I don't want to be with her, as much as possible gusto ko syang maiwasan kaya nga hindi ko magets kung bakit sinama ko sya dito, pinipigilan ko ang sarili ko, nilalayo ko ang sarili ko kaya nagagalit ako sa simpleng bagay ay dahil paraan ko ito para pigilan ang sarili kong mahulog sa isang babae. "Siguro nga napaka kulit ko na, pinipilit ko ang gusto ko lagi, pero Reese, masama bang gustuhin kong makasama ka?" pagkasabi nya nun ay naglandas na ang luha sa mata nya, madalas ko na syang napapaiyak. And her words, nasasaktan ako dun. "Masama bang mahalin ka? Tama ka, masyado na kong mapilit, Hindi kita pipiliting sumama saken. Kaya ko ang sarili ko" pagkasabi nya nun ay umalis na sya. Ewan ko ba, nawalan ata ako ng guts. Hindi ko man lang sya hinabol. Mag iisip muna ako. Una kong ginawa ay humanap ako ng bakanteng matutuluyan ngayong gabi, kumuha ako ng dalawang kwarto. Tig isa kami. Nung nakuha ko na ang susi ko ay humiga muna ako sa kwarto ko. Hindi ko na alam kung bakit ginagawa ko ito, nasasaktan ko sya. Bakla nga siguro ako kase duwag ako. Ayokong harapin yung katotohanan. Ayokong tanggapin sa sarili kong MAHAL ko na sya.  Nagtakip ako ng unan sa mukha ko, matutulog na lang muna ako. baka sakaling magbago itong nararamdaman ko dahil mali ito. Maling mali. Pero wala pang ilang minuto akong nakapikit ay dumilat na ko. Hindi ako makatulog. Hindi ko kaya, Hindi ko kayang pabayaan si Lianne sa labas. Lumabas ako at nagsimula ng hanapin sya. Nakita kong may kausap syang isang lalaki na naka topless, halatang halata sa mukha ng gag*ng yun na may masama syang interes kay Xymon. Sobrang naiinis ako, Gusto ko na syang sapakin, Oo! Alam ko natatawa kayo pero hindi nyo alam champion ako ng taekwondo at kick boxing so I will surely knock that guy out. Lumapit ako sa kanila. "Is there any problem here?" tanong ko. Tiningnan lang ako ni Xymon at hindi umimik. "I was just asking her out, you know, grab some drink" sabi nung lalaki sabay ngiti kay Lianne, halatang nagpapa cute eh kung bigyan ko kaya to ng isang flying kick. "So, let's go?" pagyaya pa din nitong hinayupak na ito. "Don't you think it's inappropriate to ask my girlfriend out while I'm here?" hindi ko alam bakit ko nasabi yun parang binabakuran ko sya. Napatingala sakin si Lianne ngunit nagbawi sya ng tingin. "Oh, pasensya na bro, Hindi ko alam, I thought she's alone. Sorry miss, Balik na ko sa room ko" sabi nya bago naglakad palayo. Maya maya ay nagulat ako ng bigla ring lumakad palayo saken si Xymon. So I left no choice but to follow her and stopped her. "What? I thought you don't want me to be with you?" sabi nya. Halatang malungkot sya sa boses nya. "Okay, sorry. Alam kong galit ka, at pakiramdam ko mas tamang panatilihin kong galit ka saken" Confused syang tumingin saken. "Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko Reese? Kulang pa ba? Sabihin mo anong kulang? Pupunan ko agad" sabi nya bago tuluyan ulit umiyak. "Please wag kang ganyan, walang kulang Xymon, pero dapat layuan mo na ko, dapat umalis ka na sa buhay ko, natatakot akong masaktan pa kita lalo, please give up on me!" Lalo syang umiyak. "Bakit?! Bakit mo ko ginaganito! Ano ba? Mahal na mahal kita. Bigyan mo ko ng rason para layuan ka!" Pero imbis na bigyan ko sya ng sagot, I pulled her and started kissing her. Halatang nagulat sya kaya hindi agad sya nakapag respond. Kaya tinapos ko na rin agad yung halik. Niyakap ko sya. Hahayaan ko na, sasabihin ko na lahat, Hindi na kaya ng puso kong itago pa yung nararamdaman ko. Alam kong magiging komplikado ang lahat pero hindi ko kayang I let go si Lianne ngayon. "Mahal na mahal kita Xymon" yun lang ang sinabi ko kaya gulat syang napatingin saken, Her eyes are starting to form some tears again. "Sinubukan kong pigilan, pinapalayo kita kasi baka mali ito, ayoko kasing masaktan pa kita, pero hindi ko kayang itago sayo to" I looked at her intently "Xy, you made this gay fell inlove with you" pagkasabi ko nun ay tuluyan ng bumagsak ang luha nya ulit, nakangiti sya, this time. It's tear of joys. She hugged me tighter. Inangat ko ang mukha nya para punasan ang luha sa mga mata nya. "Reese, I don't care if masasaktan ako, ang gusto ko lang maranasan na mahalin mo, maging girlfriend mo, gusto ko lang nasa tabi mo ko, gagawin ko lahat para hindi tayo maghiwalay, I will risk it all for you, sobrang mahal na mahal kita Reese, Let's give it a shot?" after she said that, she tip-toed to kiss me. Sobrang saya ko, ramdam ko yun, I've never been this happy. Xymon is the only person who can turn my world upside down. Kung dati puro takot ang pinaiiral ko, probably not this time. Kung may mangyari man, e di harapin. Sabi nga diba Let's cross the bridge, when we get there I kissed her again at dahan-dahang tumango, I'll give it a try.  Sa sobrang saya ni Xymon ay pinagyayakap nya ko habang tumatalon. Xymon's POV. We are sitting at the shore, nagpapaantok kumbaga. Nakasandal ako sa dibdib ni Reese habang nag aantay kami ng shooting star. "Reese, may tanong ako sayo" "Hmm, ano yun?" sabi nya sabay tingin sa mga mata ko. Kyaaaaahhh! Ang gwapo talaga nya! Inlove na ba talaga saken tong baklang ito? Pero nagtanong na ko bago pa ko mag drool ng sobra. "Tayo na ba? I mean girlfriend mo na ko?" kasi syempre, wala naman syang sinasabi, Ayokong mag assume. Binatukan nya ko ng mahina. "All this time, Hindi mo pa pala gets, Oo Lianne, Boyfriend mo na ko, Girlfriend na kita" sabi nya sabay ngiti. "Talaga?! Whoo! Boyfriend ko na si Reese!" sa sobrang saya ko napasigaw ako. Tumawa lang si Reese. "So anong tawagan natin? Term of endearment ba?" Kumunot ang noo ni Reese "kailangan pa ba yun, wag na! Ang corny" sabi nya. Medyo na disappoint ako pero inalala ko lang na ang mahalaga, Hindi na lang ako si Xymon na may crush at habol ng habol kay Reese, Ako na ang girlfriend nya. Maya-maya ay inantok na ko, kaya nagyaya na kong umuwi sa tutuluyan namin ngayong gabi. "Goodnight Reese, tulog na ko ah, Iloveyou" sabi ko, papasok na sana ako ng hilahin nya ang kamay ko, Once again he hugged me, then planted a small kiss on my forehead. Pakiramdam ko napaka swerte ko, ang saya ko kasi alam ko akin na sya. "Goodnight love, sleep well, Iloveyoutoo" Love Love Love Tama ba ko ng pagkakarinig, magtatanong sana ako kay Reese kaso sinarado nya na ang pinto nya as if avoiding my question. So Love, yun pala ang term of endearment namin. Haha. Sweet din pala sya. That night, nakatulog ako ng sobrang saya at nakangiti. I love Reese so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD