Chapter 15

1652 Words
Alex's POV. "Good Afternoon Alex! May hinanda ako para sayo" napaka sigla ni Xymon habang hinahanda yung kakainin ko sa table ko "Pinaghirapan ko tong palabok na to" dagdag nya. Bahagya syang yumuko kaya lumaglag mula sa leeg nya yung nakasabit na kuwintas na binigay ko. It's been a week since grumaduate ako at nung party. Yung party na kung saan nagsimula na talaga akong ma confused. One week na din na iba ang itsura ni Xymon. Babaeng babae na sya ngayon, Kung dati may mga nagkakagusto na sa kanyang staff at pasyente habang tomboy sya. Isipin mo ngayon, as in dumami talaga now that she's wearing a denim shirt, sandals, fitted shirts, crop top, at lagi pang nakalugay ang mahaba at wavy nyang buhok. Minsan, mahuhuli mo na lang yung mga nurse na lalaki sa station na nagdu drool sa kanya. Xy really changed at alam kong para saken to, para mapansin ko sya. And I can say, it's working. I ate what she brought today, napakasarap talaga nyang magluto. Wife material nga sya pero hindi WIFE ko ah! Okay?! Nakatingin lang sya saken habang kumakain ako, at believe me, Nakaka awkward sumubo ng pagkain. "Magkwento ka pa about sa family mo, Nasan ang mommy mo nga pala?" bigla kaseng nag pop up saken yung question na yun. "Ha? Bakit mo naman natanong si Mommy saken?" sagot nya. She looked that, tinitingnan na naman nya yung paa nya. "Wala lang, I've never seen her before, Siguro kasing ganda mo ang mommy mo" Ngumiti sya "Oo nga e, Yun din halos ang sabi ng lahat ng kamag anak namin, sabi nila para kaming pinagbiyak na arinola. Mom was really pretty, kaya nainlove si daddy" "Nasan ang mommy mo?" "Si Mommy, she's somewhere far away" she looked sad. Kaya pala hindi ko nakikita ang mommy nya kase nasa abroad. "You must've missed your mom?" tanong ko. "So badly, I miss her so much" parang medyo nagti teary eye sya. "So how did your dad and mom meet?" tanong ko. Parang biglang nag brighten up yung mukha nya. Parang sumaya sya habang inaalala siguro. "Ang pagkaka kuwento saken ni Daddy, Nagsimula kase si Daddy sa small business, Isipin mo at the age of 21 nagsisimula na syang maging entrepreneur, So may sariling bar si Daddy, Syempre pag bar, may inuman, maingay, masaya, so naghanap sya ng singer na kakanya sa bar, Then dun na nag apply si Mommy, Naging singer sya, At first syempre distant sila sa isa't isa, Ganon talaga pag boss at empleyado. Si Daddy nun kilala sa pagiging masungit at strict, but kay Mommy, di nya magawa yun, every night nanonood si Daddy ng pagkanta ni Mommy. Hanggang sa nainlove sya, Niligawan nya si Mommy, Eh si Mommy nun, matagal na palang may crush kay Daddy, Haha. So naging sila, after ilang years being in a relationship, nagdecide silang magpakasal, and then they had me" mahabang kuwento nya. "Para palang fairytale yung kuwento nila e, Atsaka, mahal na mahal siguro nila ang isa't isa" sabi ko. Maya maya ay narinig namin yung pager, Pini paging ako dahil may 50-50 ng bagong dating na pasyente na kailangang operahan. I immediately grabbed my coat at tumakbo na papuntang operating room, hindi na ko nakapag paalam pa kay Xymon. Alam ko namang alam nya na yun. The surgery lasted for 3hours. Nagsimula kase ng 2pm at natapos ko yung operasyon ng alas singko, Buti na lang nasagip ko ang buhay ng pasyente ko. Pagkalabas ko sa OR ay nakita ko si Xymon na tumutulong sa ilang mga pasyente at nurse, ginagawa nyang tambayan ang hospital nila at minsan instant nanny pa sya ng lahat. Shanelle is too nice to her since nalaman kung sino sya, She also stopped flirting with me, natakot ata kay Lianne. Nakangiti ako habang pinapanood ko si Lianne habang lakad ng lakad, hindi nya pa siguro ako napapansin. My phone vibrated. Kinuha ko agad yun at binasa ang text na pumasok. From: Flynn ❤ Hey baby, dito ako sa parking lot, hinihintay kita sa tapat ng kotse mo, We need to talk and spend some quality time. Mabilis na nag fade away ang ngiti sa labi ko ng mabalik ako sa realidad. May boyfriend ako, May nagmamahal saken, may nag mamay ari na saken at mahal ko din sya, Parang paulit ulit na sinasabi ng isip ko na back away from Lianne. "Reese! Nandyan ka na pala! Kanina pa kita inaantay e, Sa labas na lang sana tayo mag dinner" sabi ni Lianne saken habang nakangiti. "Uhm. Lianne, you go ahead, Umuwi ka na or kumain ka muna mag isa, May mga gagawin pa ko e" sabi ko sa kanya. Kailangan ko na syang paalisin. Ewan ko ba pero parang ayokong magkita sila ni Flynn, ayokong mag ka issue kami ni Flynn. Or let's just face the truth, Ayokong masaktan si Xymon. "Ha? I could wait for you naman e" sabi nya. "Just please leave me alone for now!" napataas ang boses ko kaya nagtinginan yung mga tao saken. "Hayaan mo na muna ako Xymon, Umuwi ka na" "Ah, sige Reese, pasensya na sa pagiging makulit, Uuwi na ko, Bye!" pagkasabi nya nun, tumalikod na sya at mabilis na naglakad papalayo. Sorry Lianne, there is no easy way, Kasalanan mo din kung bakit nagiging komplikado ang lahat. I stayed for a bit in my office bago ako nag decide na pumunta na sa kotse ko, to meet Flynn. Xymon's POV. Binagalan ko talaga ang paglalakad ko, tiningnan ko kung hahabol sya pero hindi nya ko hinabol, Nung nakaraan lang ang sweet-sweet nya saken, para bang kami. Hinawakan ko yung binigay nyang kuwintas saken. Hayys! Siguro nakulitan sya saken tapos pagod pa sya kaya nagalit sya. Iintindihin ko na lang si Reese, Mahal na mahal ko naman sya e. Kinapa ko sa bulsa ko yung susi ng Ducati ko. Hinawakan ko na ito. Dumiretso ako sa parking lot, kaso napahinto ako. Si Flynn yun diba? Yung kaibigan ni Drew at Darren? Anong ginagawa nya dito? Tsaka bakit nasa harapan sya ng sasakyan ni Reese? Hindi nya ko nakikita kase nasa gilid ako, Dito nakaparada yung motor ko e. Lalapit na sana ako sa kanya para tanungin kung anong ginagawa nya ng magulat akong palapit si Reese sa kanya. "Flynn" tawag ni Reese dito. "Baby!" sagot ni Flynn, parang medyo kinabahan ako, bakit baby? Dali daling lumapit si Flynn kay Reese at hinalikan ito sa pisngi. Ginantihan naman ni Reese ito ng yakap. Nanginginig ako, Hindi ko alam. Parang nadudurog ang puso ko, Si Reese? Karelasyon nya si Flynn?  All this time? Alam kong papatak na ang luha ko at any moment ay makikita na nila ako kaya nagmamadali akong tumalikod kaso *Kliingggg* Nabagsak ko ang susi ng motor ko kaya alam kong napatingin sila saken kahit nakatalikod ako. "X-xymon?" nauutal si Reese. Pinunasan ko yung butil ng luha na lumandas sa pisngi ko at pinulot ang susi ko bago ako tumayo at humarap sa kanila. Halatang nagulat si Flynn saken, hindi nya din siguro akalain na kilala ako ni Reese, kahit ako e, Nilalandi nya lang ako nung nakaraan, boyfriend pala sya nung pinakamamahal ko. "Ano? Uhm. Pasensya na! Hindi ko sinasadyang makaistorbo, Sige aalis na ko" sabi ko sabay talikod at mabilis na naglakad papunta sa Motor ko. Kaso nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. "Wait lang Xy" pagpigil saken ni Reese. Tuluyan ng tumulo ang luha ko, kaya hindi ko na nagawang harapin pa sya. "O-okay lang Reese, B-bumalik ka na sa boyfriend mo, I understand" sabi ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko. Sana hindi nya mahalatang umiiyak ako. Sana hindi. Agad agad kong sinuot ang helmet ko. At mabilis na pinaandar ang motor ko, gusto ko agad makalayo doon. Huminto lang ako sa isang nearby park at doon ko binuhos ang lahat ng sakit at sama ng loob ko, Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit-sakit na pero hindi ko kayang sumuko. Hindi ko kayang bitawan si Reese. Mahal na mahal ko sya. Dapat hindi ako nasasaktan e, Sino ba naman ako? Dapat in expect ko na yun e. Nung matigil ako sa pag iyak ay dumiretso na ko sa bahay, Buti na lang wala pa si Daddy. Dumiretso ako sa kuwarto ko, Akala ko ubos na ang luha ko kanina. Hindi pa pala. I cried and cried till I fell asleep. Alex's POV. Flynn and I, had fun. Sa totoo lang di ko masabi kung, naging masaya ba talaga ako, All I know is I'm thinking of Xymon. I can see the pain in her eyes, Alam ko ding umiiyak sya bago umalis at malamang hanggang ngayon. Nagulat ako ng biglang ihinto ni Flynn ang sasakyan. Sya kase ang nagmamaneho. "Flynn, ano ba? Basta basta kang humihinto!" galit kong sabi sa kanya. "Kanina ka pa wala sa sarili mo! Kaya ko hininto kase nandito na tayo sa condo mo" sabi nya kaya napatingin ako sa labas. Nandito na kami. Masyado nga akong nag isip. "Sorry, pagod lang sa trabaho" pagdadahilan ko. "Sino ba si Xymon sayo? I know her, may mutual friend kami, nagkita at nagkakilala kami doon sa despedida party" Kilala nya si Lianne? Nandun pala sya nung sinundo ko si Xymon. Buti hindi nya ko nakita. "Ah, Xymon, she's just a girl having a crush on me nothing more" Tiningnan nya ko ng maigi. "Really? Sya lang ba ang may gusto sa inyo?" tanong nya kaya napa straight ako ng upo. "Ano bang sinasabi mo?" "Wala, never mind. Baby, may sasabihin pala ako" "Ano yun?" "Aalis ako, Pupunta akong abroad, My mom's sick. Walang mag aalaga sa kanya, I need to be there" nagulat ako sa sinabi nya. "Kelan ang alis mo?" "Mamaya ng madaling araw, Sorry for the short notice, hirap kase sumingit sa busy schedule mo baby" "Pasensya ka na din, Mag ingat ka na lang dun" sabi ko. "I will, Sige na ikaw na lang pumasok, Dito na ko bababa" pagkasabi nya nun ay bumaba na sya. Ako din bumaba para lumipat sa driver's seat. He waved goodbye bago ako tuluyang pumasok sa parking lot ng condo ko. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ko ay agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang numero ni Xymon. Ring lang ng ring iyon, Mukhang wala syang balak sagutin. Mukhang ayaw nya muna akong kausapin. Why did I bother calling her. I'm so confused.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD