Xymon's POV.
Nakakabwiset!
I mean it, Bwiset na bwiset na ko.
Mag iisang linggo na yata akong nagta try mag meditate at wag pumatay ng tao :3
Pero sumsobra na talaga tong babaeng to!
"Shanelle, paki check naman yung vitals nito o" sabi ni Reese, dito sa pokpokitang babaeng to. Bakit kaya napakalandi nito! -_-
"Sige doc, Ako na bahala" malandi nyang sabi kay Reese, tapos dumukwang sya para kuhanin yung thermometer o para ipakita yung dede nyang Oo na MALAKI -_-
Isang linggo na simula ng matanggap sya dito, nakakainis. Tinanggap to ng HR namin. Naku talaga pag ako hindi nakapagtimpi. Jusko lord, baka next entry ng story na to, Binabasa nyo na ang pangalan nya sa puntod nya at ako naman ay nasa kulungan.
Ang dami nyang kalandian na ginagawa, Hindi ko ba alam bakit. Basta pakiramdam ko nagpapa cute sya kay Reese kahit alam nyang bakla.
Maya maya ay umalis na si Reese para mag rounds. Nakita ko namang pinasa nitong si Shanelle yung trabaho nya sa isang nurse.
Hahabol na sana sya kay Reese pero hinarang ko sya.
"Excuse me" sabi nya sabay taas ng kilay.
"Ano? Susunod ka na naman kay Reese? Magpapansin ka na naman" prangka kong sagot sa kanya. Ang tagal ko na kaseng nagtitiis sa mga pinag gagawa nya.
"At ano bang pake mo?" nakataas ang kilay nya. Hindi ba ko kilala ng babaeng to. Taragis. Lagot saken si Daddy.
"What I'm only saying is, Please back off from Reese!"
"Haha! Bakit naman kita susundin? Sino ka ba? Girlfriend? Asawa? Umasa ka! I will turn Reese to a guy, and he's mine"
"Haha, Ang kapal ng mukha mo, sa itsura mong yan, I wonder kung may pumatos na sayo, Goodluck na lang sayo slut" pagkasabi ko nun ay umalis na ko.
"Anong sinabi mo saken?!" sigaw nya.
"Arayyyyy ko!" sigaw ko. Nagulat at napasigaw na lang ako sa sakit dahil sa biglang pag sabunut sakin ng malanding to. "Bitawan mo ko, Kung hindi pagsisihan mo!" pagbabanta ko sa kanya.
Marami ng nakatingin sa amin. As in lahat mapa janitor, nurse, doctor, pasyente at guard.
"At bakit ko naman gagawin yun! Sino ka para utusan a------- Araaaayyyyyyy!" sigaw nya.
"Oh yeah! Binalaan kita, Makulit ka lang!" sabi ko habang tumatawa. Sya naman hawak ang mukha nyang SINAPAK ko.
"Xymon!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Reese, nagulat ako ng bigla syang lumapit dun kay Shanelle. "What happened? Are you alright? Geez, mukhang magkakapasa ang mukha mo?"
"Ano?! Hindi pwede! Ito kaseng si Xymon sinapak ako Alex" sabi ni Malandi sabay nag iyak iyakan.
"Lokohin mo lelang mong panot! Wag ka ng umarteng parang kawawa dyan" sabi ko sabay crossed arms.
"Would you shut up Xymon?!" sigaw saken ni Reese kaya napapitlag ako.
"Reese? Nagkakamali ka kung-----"
"Pwede ba Xymon, tumigil ka na! Kakapasok pa lang ni Shanelle ganyan ka na! Please stop acting like a child! And please stop acting like I'm yours"
please stop acting like I'm yours
please stop acting like I'm yours
please stop acting like I'm yours
please stop acting like I'm yours
please stop acting like I'm yours
Anong sabi nya?
Inaangkin ko ba sya?
Hindi nya ba maintindihang mahal ko lang sya?
Wala ba talaga ako sa kanya?
Kaya ba nya sinabi to kase gusto nya si Shanelle?
Oo, tama si Shanelle ang gusto nya,
Si Shanelle na maganda, Si Shanelle na malaki ang boobs, Si Shanelle na sexy, Si Shanelle na matangkad, Si Shanelle na babaeng babae pumorma at kumilos.
Nararamdaman ko ng namumuo na ang luha sa mata ko kaya tumalikod na ko at tumakbo.
Hindi ko na kaya, Hindi ko na kaya pang tanggapin na kinakain na ko ng Insecurity ko. Hindi, Hindi ako iiyak sa harapan ng babaeng yan.
Alex's POV.
Bigla na lang tumalikod si Xymon at tumakbong palayo.
Gusto ko sanang habulin sya dahil napa harsh ang salita ko.
Pero nag decide na lang ako na wag na. Mas okay na din to para di na sya umasa.
"Bakit di mo aminin ang totoo Nurse Kim?" biglang sabi ni Nurse Romina kay Shanelle kaya Nurse Kim kase Shanelle Kim ang pangalan nya.
"Head Nurse" biglang napatayo si Shanelle.
"Doc, na mis-interpret mo ata ang pangyayari, Hindi naman po si Ms. Xy ang nagsimula ng away, It's you Shanelle right?" sabi ni Nurse Romina.
Medyo nabigla ako, Hindi sya ang nagsimula kundi itong nurse na to.
"Opo, Ako nga po. Ako ang humila ng buhok ni Xymon, nakakainis na po kase sya!" sabi ni Shanelle.
"Kahit na! Hindi ka dapat nanakit ng ganun! Hindi mo pa agad inako ang kasalanan mo, Nahihiya akong makatrabaho ka!" pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo kung san tumakbo si Xymon.
Dinire diretso ko lang yung way at napunta ako sa parking lot.
Narinig ko yung mahihinang hikbi, kaya sinundan ko yung tunog.
Dun ko nakita si Xymon, sa gilid ng isang kotse, nakayuko habang umiiyak
Ewan ko, medyo bumigat ang.pakiramdam ko, Siguro nako konsensya na naman ako.
"Xymon" tawag ko.
Agad syang tumingala saken at nagpunas ng luha, bigla syang tumayo.
"Sige Reese, Uhm. Mauna na ako, Nakalimutan ko may aayusin pa pala ako" sabi nya bago ako dinaanan.
Pero mabilis ko syang nahawakan.
Nagdampi yung mga kamay namin.
And I don't know for what reason pero para akong nakuryente.
Siguro ganun din sya kaya parang nabigla ang reaksyon nya.
"Wait, Sorry" yun lang ang tangi kong nasabi.
She looked at me directly, I can see how she's holding back her tears.
"Hindi, Ayos lang yun" sabi nya sa garalgal na boses. Aalis na sana sya ulit
"Huminto ka" ma awtoridad kong salita. "Sorry kung nagkamali ako ng judgement, Sorry kung napakaliit ng tingin ko sayo"
Lumingon sya, this time her tears are already flowing to her cheeks. She bit her lip. "Should I say I'm okay?"
"What?" naguguluhan kase ako.
"Should I say that I'm fine even though deep inside my insecurities are already killing me?" sabi nya na mas lalong umiyak.
"San ka naman nai insecure Lianne?!" sinigawan ko sya, Hindi ko alam pero lungkot na lungkot ako habang umiiyak sya.
"Naiinsecure ako kay Shanelle! Naiinggit ako kung ano sya! Oo tama naiinggit ako sa lahat sa kanya, sa kung gano sya sa kaganda, How she look perfectly outside!" this time, she cried even harder.
I walked slowly towards her, and then I hugged her tightly.
Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, Pero there's something inside me that's dying to do this. I just can't hold my tenderness towards her.
"R-Reese?" nauutal nyang sabi.
"Ano? Magpapa hard to get ka pa ngayon, Alam ko namang gusto mo na kong yakapin matagal na, This is your chance!" sabi ko, I chuckled a little.
Yumakap na rin sya at take note sobrang higpit. Halos masakal ako.
"Abnormal ka talaga Lianne, Mai insecure ka na lang" I paused a little, I need a little gut, I inhaled, then lumapit ako sa tenga nya then I whispered it "sa mas maganda ka pa"
"Reese!" sigaw nya ng pangalan ko, She hugged me even tighter. "Sobrang saya ko" sabi nya.
Hindi ko alam pero sa oras na yun, Masaya rin ako.
We stayed in that position for atleast couple of minutes.