Chapter 20 Nagtatalon si Gianna sa kilig at hiya habang nanginginig ang kanyang kamay sa pagbukas ng pinto ng kanilang silid. Hindi magkamayaw sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa tuwa. Para siyang idinuyan sa alapaap. “My gosh! I can't believe it!” irit niya pa nang makapasok. She welcomed by the frowning Summer. Mukhang nagtatampo pa rin ang dalaga dahil sa ginawa niyang pambabawi sa cupcake nito. “Summer!” bulalas ni Gianna bago lumapit sa kaibigan. Nandidilat itong tumingin sa kanya. “Bakit?” iritable nitong tanong sa kanya. Hindi pinansin ng dalaga ang nakasimangot nitong mukha bagkus ay pinisil niya nang malakas ang pisngi nito. Napasigaw sa sakit ang dalaga. “Guess what?” anang Gianna. “Ano? Kainis ka! Magkukuwento ka na nga lang, nananakit ka pa! Mamatay ka sana sa kilig!”

