Chapter 14 “Grabe namang puwit ’yan!” manghang komento ni Yanna kay Gianna. “Kanina ka pa hindi magkamayaw riyan,” nakangiwi pa nitong dagdag. Natawa na lang si Gianna. Paano ba naman kasi ay may hinihintay siya. “Chill guys!” bulong niyang singhal dito. “Gusto ko nang umalis!” dagdag pang wika ni Gianna sa mga kaibigan. “I can’t wait anymore!” Tinawanan siya ng mga ito. “Grabeng excitement 'yan! Baka mamaya ay hindi ka masundo,” panghuhula pa nito. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Gianna. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng kaibigan. Napaisip tuloy siya na baka totoo ang sinasabi nito. Bigla namang natahimik ang iba pa nilang kasama. “Uy, joke lang! Ito naman, nagpapaniwala kaagad!” anas ni Summer. Hindi man lang nagawang tumawa ni Gianna. Pakiramdam niya kasi ay totoo ang sinasabi

