Chapter 33 “Summer!” malakas na tawag ni Gianna sa pangalan ng kaibigan ngunit walang tao sa loob pagkapasok niya. Nagtataka niyang tiningnan ang mga gamit nitong maayos na nakalagay sa mesa. Naroon pa rin ang bag ng dalaga pati ang mga libro nito. Kaagad niyang inilapag ang dalaga bulaklak. Binalingan niya ang mesa ng kaibigan. Nagtataka siya dahil hindi ito pumasok. Bigla tuloy siyang napaisip na baka may nangyari sa dalaga. Bigla siyang kinain ng kaba. Aalis na sana siya nang may makita siyang bulaklak sa mesa nito. Ngayon lang niya iyon nakita. “Hmp! Baka may ka-date iyon. Hindi nagsasabi,” nagtatampong wika ni Gianna bago lumabas. Mabilis lang niyang narating ang kanilang classroom at naroon na ang kanilang Professor kaya pagkatapos niyang bumati rito ay kaagad siyang pumasok.

