Chapter 23 Pagkatapos nilang kumain ay madilim na ang paligid. Si Gianna ang naghugas ng pinagkainan nila habang ang binata naman ay nagpapahinga sa kuwarto. Hindi mapigilan ni Gianna ang mapaisip. Paano kung totoo ang sinasabi ng kanyang isipan? Paano kung isinama lamang siya ng binata upang paslangin? She shuddered at the thought. Umiling si Gianna. Bumalik sa kanyang alaala ang pag-iibang kulay ng mga mata ng binata kanina. Pula. Sigurado siyang naging pula ang mga mata nito. ‘‘Bakit?’’ nalilitong tanong niya sa kanyang isipan. “Are you done?” Basag ang baso nang mahulog ito dahil sa biglaang pagsasalita ng binata sa kanyang likuran. Hindi man lang niya ito naramdamang lumapit. His breath tingled her earlobe. Kaagad siyang inilayo ng binata nang akmang pupulutin niya ang bubog. “L

