Kabanata 25
S U N N Y
"Babae pala ang kambal mo, Rain? Sa kanya ba galing ang in game name mo?" ani Bren nang makalayo si Alas sa aming lamesa.
Naguguluhan pa din ako sa nangyari kaya tango lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko talaga maisip kung paano at saan ako nakilala ng Alas na 'yon. Hindi ko kasi talaga siya matandaan. Sigurado ako, ngayon lang kami nagkita kaya paano niya ako nakilala? Ni hindi nga ako naka-follow sa kanya sa social media. Naka-private din ang account ko at wala masyadong friends, kaya imposible ding nakilala niya ako doon.
Sobrang nakakapagtaka. Paano ako nakilala ng taong 'yon? Hindi ko talaga matandaan na nag meet kami before. As in wala talaga akong matandaan. Kung nakita ko na siya noon, sigurado akong makikilala ko siya agad dahil wala naman ako masyadong kakilalang ganoon ka-gwapo. Si Silver gwapo naman pero ayokong isipin na gwapo ang lalaking iyon at baka masuka lang ako.
Pero paano nga kaya ako nakilala ng Alas na 'yon. Ako, kilala ko talaga siya bilang core ng Alpha pero in person, hindi ko matandaang nagkakilala kami. Ngayon ko nga lang din siya na-meet ng personal, eh. Kaya paano ba?
Gulong-gulo na ako dito. Hindi ko talaga maisip kung paano ako nakilala ng lalaking iyon, gayong ngayon ko pa lang naman siya na meet.
"Nasa ibang bansa ang kambal mo, di ba, at kamukhang-kamukha mo?"
Tumango ako sa tanong na iyon ni Bren.
"Bakit nga pala ayaw mo doon sa States at mas pinili mong manatili dito sa Pilipinas? May Esports din naman doon."
Kinagat ko ang labi ko.
"S'yempre naman kung magiging pro-player ako gusto ko iyong sariling bansa ko ang irerepresenta ko."
"O, ngayon pro-player ka na. Make our country proud. Dapat mag champion tayo this year sa buong mundo."
Ngumisi ako at tumango.
"S'yempre naman. Kaya natin 'yon. Sabi ko nga, hindi lang tayo sa Asia mananalo. Tayo din ang mag-uuwi ng trophy sa World Championship."
Humalakhak si Bren.
"Yan ang gusto ko sa'yo! Positibo mag-isip."
Tinaas niya ang isang kamay niya sa ere para makipag high-five na agad ko namang pina-unlakan. Tumawa na din ako kasabay niya.
"Hanggang anong oras ba tayo dito? Hindi ba tayo pagagalitan ni coach nito?" tanong ko pagkaraan ng ilang minuto na naroon lang kami. Hindi pa din bumabalik ang tatlo.
"Hindi 'yan. Mabait naman si coach."
"Kahit na. Hindi dapat natin sinasamantala ang kabaitan ni coach."
Ngumisi si Bren at ginulo ang buhok ko.
"Oo na, boss. Sorry na." Humalakhak pa ito at sinimulan naman akong asarin.
Nahinto lang siya sa pang-aasar sa akin nang biglang tumayo si Alistair. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakapamulsa siyang nagpaalam sa amin para magtungo sa restroom. Gusto ko din sanang magpunta sa restroom kaya lang naisip ko na kailangan kong pumasok sa boy's CR kaya huwag na lang. Hindi ko kayang pumasok doon, 'no! Baka kung ano pang makita ko doon na hindi ko naman dapat makita. Hindi din naman kasi ako pwede sa girl's CR dahil nagpapanggap nga akong lalaki. Baka magsigawan pa ang mga babae kapag pumasok ako doon at mapagkamalan pa akong manyakis. Kaya titiisin ko na lang itong nararamdaman ko.
Kaya lang nang pauwi na sana kami ay hindi ko na talaga natiis pa. Nagpaalam ako sa kanila sandali para magtungo sa restroom ng boys. Nasa may b****a pa lang ako ay sobrang nag-aalangan na akong pumasok. Gusto ko na agad umatras. Hindi ko yata talaga kaya ito.
Lumingon ako sa likod ko, nagbabalak na umatras na lang at tiisin na lang ang nararamdaman. Kahit hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiis. Ngunit nagulat ako nang makitang nakasunod sa akin si Alistair. Blangko ang ekspresyon nito habang nakadirekta sa akin.
Akala ko ba tapos na siyang gumamit ng banyo?
Nang nakalapit sa akin ay agad niyang hinatak ang braso ko papasok ng tuluyan sa restroom na panlalaki. Agad akong pumikit sa takot na may makitang hindi ko dapat makita, ngunit nang huminto siya sa panghihila sa akin ay dahan-dahan ko ding idinilat ang mga mata ko sa kalahati. Ayaw kong idilat iyon ng husto hanggat hindi ako nakakasigurado na nasa safe akong part. Iyong part na wala akong makikitang nakakaiskandalo para sa akin.
Nang makitang nasa bandang dulo na ako ng restroom, kung saan nakahanay ang bilang lang na cubicle ay medyo nakahinga na ako ng maluwag. Nakaharang din ang katawan ni Alistair sa pwesto ng mga lalaking gumagamit ng CR, kaya wala talaga akong makita doon.
Suminghap ako at tuluyang nakahinga ng maluwag. Buti na lang.
Kaya lang...
Bigla akong napa-angat ng tingin kay Alistair. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako biglang hinila dito.
Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatayo pa din sa harapan ko.
"Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na sa loob nang makaalis na tayo," pa-suplado niya pa ding sabi.
Agad naman akong tumango at sinunod ang gusto niya. Baka naman gusto niya lang ako mapabilis dahil uwing-uwi na siya, kaya hinila na niya ako papunta dito. I shrugged my shoulder. Baka nga.
Hindi ko na masyadong pinagtuunan pa ng pansin iyon. Nagpasalamat na lang ako at medyo nakatulong siya sa sitwasyon ko ngayon. May mabuti din palang maidudulot ang lalaking iyon sa buhay ko, eh. Pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat pa ako nang makitang naroon pa din siya. Hindi na niya ako pinagsalita pa at hinila na niya agad ako palabas ng restroom. Pumikit ulit ako s'yempre hanggang sa binitiwan na niya ako ng makalabas kami.
Huminto ako habang siya naman ay nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Sandali akong napatulala sa likod niya bago ako tuluyang kumilos at sumunod na din sa kanya. Gusto ko sanang magpasalamat kaso baka magtanong siya kung para saan ang pagpapasalamat ko gayong ginawa lang naman niya iyon para mapabilis ako. Wala siyang kaalam-alam na natulungan niya ako ng sobra. Napangiti ako habang palabas kami ng bar hanggang sa parking area kung saan naghihintay ang apat sa amin.
Nasa malayo pa lang kami ni Alistair ay rinig na namin ang ingay nila habang nakatambay sa labas ng sasakyan. May pinagtatalunan na naman yata silang kung ano.
"Panira ka kasi! Kanina ka pa. Sinisira mo lagi ang diskarte ko!" iritadong sabi ni Dylan sa lasing na yatang si Kean. Nakasandal na kasi ito ngayon sa sasakyan ni Bren habang nakahawak sa kanyang sentido.
"Gago ka kasi! Isa-isa lang. Ano habang pinopormahan mo si Carla, may ibang babae kang hinahalikan? Gago ka din talaga, eh." Nakuha pa talaga nitong lumapit kay Dylan para batukan ito.
Nang makita kong umamba si Dylan para gantihan si Kean ay mabilis akong pumagitna sa kanila. Nilapat ko ang palad ko sa dibdib ni Dylan at ang kabila naan ay sa dibdib ni Kean. Tinignan ko sila pareho ng masama at may halong pagbabanta.
"Ano 'to? Bakit nag-aaway nanaman kayo? At dito pa talaga sa pampublikong lugar? Hindi ba kayo nag-iisip? Paano kung may makakita sa inyo dito na mga fans niyo? Eh di, issue pa ito? Tigilan niyo na nga 'to! Umuwi na lang tayo."
Gumalaw ang panga ni Dylan habang matalim ang tingin kay Kean. Ayaw pa din talaga paawat ng isang ito.
"Siya ang nagsimula nito. Kung hindi lang sana niya pinapakialaman ang mga diskarte ko."
"Diskarte mong bulok."
Napapikit ako ng mariin. Ang mga bwisit na 'to! Ayaw pa din talaga paawat. Gusto na yatang magsaksakan dito sa gitna ng parking area.
"Bulok? Ikaw, ang bulok! Akala mo hindi ko alam? Halatang-halata ka na, boy! Gusto mo si Carla, ano? Kaya sinasabotahe mo ang panliligaw ko sa kanya."
Umawang ang labi ni Kean sa sinabing iyon ni Dylan na para bang nagulat siya pero tumiim din iyon agad at matalim na tinignan pabalik si Dylan.
Oh, fvck! Mukhang hindi ganoon-ganoon na lang matatapos ang away ng dalawang ito, ah? Parehas kasing mataas ang pride. Ayaw patalo pareho.
"Gago!"
"Mas gago ka! Kung gusto mo, eh di, sa'yo na! Pwede ka namang magsabi. Babae lang 'yon, tol, marami d'yan. Hindi mo kailangang magpakadesperado ng ganito."
"Tarantado ka talaga, ano?"
Hindi ko na napigilan pa si Kean nang sumugod ito kay Dylan. Sa nipis ba naman ng braso ko, talagang wala akong magagawa para pigilan ang dalawang ito. Mabuti na lang at mabilis na kumilos 'yong tatlo para pigilan si Kean sa tangka nitong pag-atake kay Dylan.
"Tangna! Sasapakin mo talaga ako para lang sa babaeng iyon? Para lang sa babae?" Hindi makapaniwalang sabi ni Dylan. Nagawa pa talagang ngumisi ni Dylan sa ganitong sitwasyon.
Malakas kong hinampas ang dibdib niya at itinulak papalayo ng husto kay Kean. Siraulo din ang isang ito. Nakita na niyang pikon at lasing na 'yong isa, papatulan pa din talaga. Kung hindi ba naman tanga.
"Damn it! Sabing tumigil na, eh!"
Gulat na bumaling sa akin si Dylan.
"O, bakit biglang ako na ang may kasalanan dito?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Dylan.
"Sabi ko kasi tumigil na, di ba? Pero anong ginawa mo? Sige ka pa din!"
"So, kasalanan ko na nga bigla? Unang-una, wala tayo ngayon sa sitwasyon na ito kung hindi epal 'yang gagong 'yan. Sinira na nga niya diskarte ko kanina tapos pati ba naman dito manggugulo siya."
"Diskarte? Tangna ng diskarte mo, boy! Pang fvckboy!" sigaw ni Kean habang nanlalaban sa pagkakahawak sa kanya ng tatlo.
"Fvckboy ka din tanga!"
"Ulol! At least ako, may pagpapahalaga sa babae. Eh, ikaw wala ka kahit respeto!"
Bumaling ako kay Bren at Marcus para humingi ng tulong, at patigilin na ang dalawa sa pagtatalo. Ngunit parang natutuwa pa ang dalawa sa naririnig na pagtatalo nina Dylan at Kean. Napapikit ako sandali ng mariin. Sumasakit ang ulo ko sa mga lalaking ito, eh. Hindi ko na talaga alam minsan kung paano sila papatigilan sa pag-aaway ng ganito. Mas lalo lang silang lumalala habang inaawat, eh.
"Talaga? Eh, ikaw? Kung may respeto ka sa pagkakaibigan natin, hindi mo pakikialaman ang diskarte ko."
"Diskarte mong bulok!"
"Tangna! Dahil lang sa babaeng 'yon, nagkakaganito ka na?"
"Gago ka!"
"That's enough!" malakas at may diing sambit ni Alistair.
Hinigit niya si Kean papasok sa sasakyan ni Bren at sapilitang hinigit ko naman si Dylan papasok sa sasakyan niya. Hindi ko siya sa driver's seat pinaupo dahil mukhang nakadami na din ng nainom ang isang ito. Sumunod si Marcus sa amin at pumasok naman sa driver's seat.
"Ako na ang magmamaneho."
"Nakadami ka din ng inom, di ba? Hindi ka pwedeng magmaneho," sabi ko sa kanya.
Sabay kaming napalingon sa binatana sa side niya. Naroon nakatayo si Alistair. Binuksan nito ang pinto sa driver's side.
"Alis. Bumalik ka sa sasakyan ni Bren. Ako na ang magmamaneho,'' otorisadong sabi nito. Nagkibit balikat lang si Marcus at agad din namang sinunod ang sinabi ni Alistair.
Lumabas siya ng sasakyan at pinalitan siya ni Alistair sa driver's seat.
"Kita-kita na lang sa bahay. Ikaw na bahala d'yan, Rain, ah. Pakalmahin mo," ani Marcus sa akin bago pumasok sa sasakyan ni Bren.
Nagtama ang tingin namin ni Alistair sa salamin sa harapan. Napakunot ang noo ko nang makitang nakataas ang dalawang kilay niya na para bang may hinihintay.
Ano nanamang problema ng isang ito?
"I'm not your driver," anito sa malamig na tono.
"Oh!"
Iyon lang naman pala. Akala ko kung ano na. Ang arte din talaga ng isang ito, eh. Ayaw na magmukha siyang driver.
Mabilis akong lumabas ng sasakyan para lumipat sa tabi niya. Nilingon ko si Dylan mula sa backseat. Nakasandal na ito at nakapikit doon. Nagkibit balikat na lang ako at muling inilipat ang tingin sa katabi ko. Nagtaka ako nang hindi pa din niya paandarin ang sasakyan.sasakyan. Medyo nagulat ako nang maabutang nakatingin pala siya sa akin.
"Bakit?" tanong ko medyo nailang sa titig niya.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Seatbelt mo," malamig pa din ang tonong gamit niya.
Agad akong napatango.
"Ah, pasensya na." Mabilis kong inayos ang seatbelt ko bago niya tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Ang lawak ng ngiti ko habang pauwi kami sa bootcamp. Ewan ko ba! Alam ko namang hindi ito ang tamang oras para matuwa ako dahil nag-aaway pa nga 'yong dalawa. Natutuwa lang siguro ako dahil ramdam ko na medyo nagbabago na ang tungo sa akin ni Alistair. Mas pinapansin na niya ako ngayon kaysa nitong mga nagdaang araw. Medyo nabawasan na din 'yong pagiging suplado niya sa akin. Suplado pa din pero nabawasan na ng konti. At least may improvement kaysa wala, di ba?