Kabanata 64 S U N N Y Nakakapagtaka dahil pagkatapos ng naging pag-uusap na ‘yon namin ni Silver ay hindi na siya gaanong nagpaparamdam. Hindi na siya dumalaw ulit at kapag naman magkausap kami sa phone ay palagi siyang may kailangang gawin kaya sandali lang kami nakakapag-usap. Hindi din siya nagpunta sa sunod na laban namin at pakiramdam ko hindi din siya pupunta kahit sa finals. Nakakatampo lang. Mukhang may bago nanaman siyang pinagtutuunan ng pansin kaya nakakalimutan na akong bisitahin dito. Baka may babaeng pinopormahan nanaman. Hindi ko alam. Ayoko na lang ding alamin kasi naiinis lang ako. Hindi ko alam kung ano ang kinaiinis ko, hindi pa ba ako nasanay sa pagiging babaero ng lalaking ‘yon? Nakakatampo lang kasi mas inuuna niya pa ang mga babae niya kaysa suportahan ako. Sabi

