Kabanata 52 S U N N Y Sa lahat ng pwedeng makadiskubre ng totoong pagkatao ko, si Alistair pa talaga. Pero hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon niya dito. Inasahan ko na magagalit at isusumbong niya agad ako sa manager namin ngunit hindi. Sobrang sarap sa pakiramdam na kahit hindi naging maganda ang trato niya sa akin noon… Naging sobrang bait niya pa din sa akin sa huli. Sinamahan niya pa ako dito kahit na alam kong pagod siya dahil buong araw kaming nakaharap sa computer at nag t-training. Hindi ko alam na posible palang makaramdam ng labis na kasiyahan pagkatapos kong mag-alala ng husto kanina. Umiyak pa ako sa harapan niya. Doon pa lang siguro nahalata na niya. Kanina ko pa din gamit ang normal na boses ko kaya siguradong kanina pa siya nagdududa pero hindi niya iyon ipi

