Kabanata 35 S U N N Y "Hindi na, Alistair. Ako ang nagyaya sa'yo dito bilang kabayaran ng pagbabantay mo sa akin kahapon tapos mas malaki pa ang babayaran mo kaysa sa akin?" Nalilitong tanong ko pero nang makita ko ang iritado niyang mukha ay tumahimik na agad ako at hinayaan na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin. Ang weird lang kasi talaga na niyaya ko siya dito para ilibre tapos bandang huli siya pa itong magbabayad ng malaki. Alam ko naman na marami siyang pera pero... Ah! Bahala na nga siya. Kaysa naman pag-awayan pa namin ito at mairita nanaman siya sa akin. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. Siya na nga ang nagbayad sa pagkain ng mga kasama namin. Nakakahiya talaga sa kanya pero wala naman akong magagawa kung iyon talaga ang gusto niya. Baka kapag pinilit ko

