Kabanata 49 S U N N Y "Bukas pupunta ka ba, hija?" ani Tita pagkatapos naming mananghalian. Nagliligpit na lang kami ngayon ng mga pinagkainan. Lagi kong ginagawa ito noon kapag dito ako nakikikain sa kanila. Tumutulong ako kay Tita sa pagliligpit at paghuhugas ng pinggan para hindi naman masyadong nakakahiya. Birthday ni Silver bukas at balak ko sana na bukas pa pumunta dito sa kanila para saktong birthday niya kaya lang may training kami buong araw bukas kaya minabuti kong ngayon na lang magpunta. S'yempre bumili ako ng regalo para kay Silver pero mamaya ko na 'yon ibibigay sa kanya. Mamaya ko na din sasabihin na hindi ako makakapunta dito bukas para sa kaarawan niya. Alam kong magtatampo 'yon kaya nga ako bumili ng regalo para kahit papaano ay may pampalubag loob. "'Yon na nga p

