Samantha Pov
Nandito ako ngayon sa garden namin sa bahay habang nagmumuni-muni.
It's been a week since that incident happened in that bar. At halos isang linggo na rin na hindi mawala sa aking isipan ang misteryosang babae na kasama nung dalawang lalaki na tumulong sa amin mula sa mga bastos at lasing na mga lalaking yun.
I can't really figured it out what's with her at bakit gustong-gusto ko syang makilala. Nakakapanibago lang dahil ito ang unang pagkakataon na naging interesado ako sa isang tao.
Geez.! I need to stop thinking about her. This is bad.! Sa babae pa talaga ako nagkaroon ng interes.
"Hay. Behave Samantha, ok.?! Tama na ang pag-iisip mo sa babaeng yun. You don't even know her for pete's sake.!" Pagalit kong sermon sa aking sarili.
Nagulat na lamang ako nang may tumikhim mula sa aking likuran.
"Pasensya na po sa istorbo Ma'am Samantha. Pero ipinatatawag po kayo ng iyong ama sa kanyang opisina sa taas." Sabi ni Kuya Rolan habang nakangiti.
Pero parang may iba sa ngiti nyang iyon. Yung tipong nanunukso, na syang ipinag'kibit balikat ko na lamang.
By the way, isa sya sa tatlong bodyguard ko. Sa isang linggo kasi na naging BG ko sila ay kahit papaano alam ko na ang pangalan nilang tatlo.
Yung malaki ang katawan ay si Kuya Joseph, samantala sina kuya Gelbert naman at kuya Rolan ay katamtaman lamang ang pangangatawan. Ang strikto naman sa kanilang tatlo ay si kuya Joseph pero kahit papaano naman hindi sila mahirap kausapin kahit na masama ang ipinakita kong ugali sa kanila nong una.
"Ganun po ba.? Sige po, susunod na lamang po ako." Magalang kong sagot sakanya.
"Sige po Ma'am, mauna na po ako." Paalam nito sa akin bago umalis sa aking harapan.
Hmm. Ano kaya ang sasabihin ni Dad.? Hindi na kaya sya galit sa akin.?
Nung nalaman kasi nya ang tungkol sa nangyari sa akin sa bar ay umuwi sya agad dito sa Pilipinas. Katakot-takot na sermon ang natanggap ko mula sa kanya pagdating nya dito.
Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lamang dahil alam ko namang may kasalanan rin ako sa nangyari.
Pagdating ko sa labas ng kanyang office ay kumatok muna ako bago pumasok. May sarili kasing office si dad dito sa bahay. Mukha itong library tingnan dahil sa dami ng libro na maayos na nakalagay sa book shelves.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong may binabasa si dad at sa tingin ko isa itong business proposal. Nilapag nya muna ang mga ito sa kanyang mesa bago nagsalita.
"Maupo ka muna Sam, may sasabihin ako sayo." Utos ni dad sa akin na agad ko namang sinunod.
"What is it dad.?" Kinakabahan kong tanong sakanya.
Paano ba naman kasi ang seryoso ng mukha nya habang nakatingin sa akin. Hindi pa naman ako sanay na ganito si dad.
"Well, it's all about your security. I'm just thinking that, uh-- maybe hindi ka sanay na may nagbabantay sayo kaya mo ginagawa ang mga ito." Panimula ni Dad. Agad ko namang nakuha ang tinutukoy nya kaya sumabat na ako.
"Look dad, I know it was all my fault and I am very sorry for that. Aaminin kong ayoko talagang may sumusunod sa akin, and I'm pretty sure that you already know that dad. But I won't blame you kung bakit mo ako binigyan ng bodyguard and uh-- I just realized after that incident in the bar that, maybe...just maybe. Having a bodyguard is not bad afterall." Sabi ko rito.
Napangiti naman si dad dahil sa sinabi ko.
"So I think my princess already learned her lesson, don't you.?" Mapanuksong tanong nito.
"Well, sort of.?" Pilya ko namang sagot sakanya.
Napahalakhak naman ito ng tawa so I guess, okay na kaming dalawa.
"Hindi kana ba galit sa akin dad.?"
"Of course not princess. I'm not mad at you ok.? I'm just worried sick kaya kita napagalitan. So, I made my decision na hindi kana bigyan ng bodyguard." Nakangiti nitong sagot sa akin na ikinagulat ko.
"You mean that-----"
"Yes princess, from now on wala kanang bodyguard na susunod sayo." Pagputol ni dad sa sasabihin ko.
O.M.G.! Finally.! I have my freedom.! Yesssssss.!
"Waaah.! Thanks Dad.! I love you so much." Masaya kong sabi habang nakayakap sa kanya.
"But in one condition. You have to be careful wherever you go Sam. Iba na ang panahon ngayon princess, hindi na safe kaya dapat kang mag'ingat palagi. So I'm hoping na hindi na ulit maulit yung nangyari sa bar. Do you understand.?"
"Of course dad. It will not happened again. I promise." Malumanay kong sagot sakanya.
"Good. I guess nagkakaintindihan na tayo dito. Tomorrow was my flight scheduled back in London. Kaya please magpakabait ka dito habang wala kami ng mommy mo at ate Nadine mo okay.?" Sabi ni dad.
Nalungkot naman ako bigla dahil mag isa na naman ako dito.
"Pero dad, kadadating mo lang aalis ka agad.? Maiiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay." Pagmamaktol ko sa kanya.
"Don't worry princess. Uuwi rin agad kami dito as soon as possible. Meron ka namang kasama dito eh. Nandyan naman sina Mang Berto at Aling Karing at ang iba pa natin kasambahay. I promise, pagkatapos pirmahan ang business proposal ko ng isang malaking kompanya doon, babalik agad kami dito. I know your mom miss you so much, so don't be sad na okay.?" Pagpapagaan ni dad ng loob ko.
"Okay dad, I understand." Sagot ko sakanya.
"Good. Maghanda kana doon Sam. Alam ko namang may usapan kayo ng mga kaibigan mo na mamamasyal kayo ngayon. At least wala ka nang bodyguard na susunod sayo kahit saan ka pa magpunta. Just remember what I've said earlier na lagi kang mag-iingat." Paalala sa akin ni dad.
"I will always put that in my mind dad. Um, paano naman po sila kuya Joseph.? I mean dito lang po ba sila sa bahay.?"
"Oh well. Since wala na rin naman silang babantayan, babalik na sila sa kanilang agency kung saan sila nagtatrabaho at alam na rin nila ito." Paliwanag ni dad kasabay nito ang pagtunog ng cp ko.
"Ganun po ba.? Sige po dad, maghahanda po muna ako. Nagtext na kasi si Bianca. Papunta na daw po sila rito." Paalam ko kay dad.
"Go ahead." Nakangiti nitong sagot kaya lumabas na agad ako sa kanyang office.
Nadatnan ko namang kumakain sa kusina sina kuya Rolan. Napatuwid pa ng upo ang mga ito pagkakita sa akin.
"Kain po tayo Ma'am." Pag-aya ni kuya Gelbert sa akin.
"Salamat na lang po, hindi pa naman ako gutom. Ahm. Ano po pala, sinabi na sa akin ni dad na babalik na daw kayo sa agency nyo." Panimula ko pero agad namang sumabat si kuya Rolan.
"Opo ma'am. Wala na rin naman kaming trabaho dito eh."
"Ahmm. About that po pala. I just wanted to say sorry for being rude during our first meeting. And pati rin po sa pagtakas ko mula sa inyo. Kaya ayan tuloy muntik pa kaming mapahamak. Pati kayo nadamay sa panenermon ni dad and sorry din po sa uhhh..alam nyo na. Yung pagsigaw-sigaw ko po sa inyong tatlo." Nahihiya kong paghingi ng tawad sa kanilang tatlo.
"Wala na po sa amin yun Ma'am Samantha." Nakangiting sagot ni kuya Joseph.
"So, ahmm. Sana po hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Paalam po sa inyong tatlo at maraming salamat po sa pagpapasensya sa akin. Hehehe. So paano.? Maghahanda muna ako baka dumating na yung dalawa dito. Magiingat po kayo lagi." Paalam ko sa kanila.
"Kayo rin po Ma'am, mag-ingat rin po kayo lagi." Sagot ni kuya Rolan.
Ngumiti muna ako sa kanila bago pumunta sa aking kwarto para makapag ligo. Ang weird naman ata nilang magsalita lalo na si dad. Yun bang parang nag-aalala na natatakot. Ewan ko ba.! O baka naman nagiisip na naman ako ng kung ano-ano.?
Hay. Makapag'ligo na nga lang.
***
Pababa na ako ng hagdan at kitang-kita ko na ang nakabusangot na mukha ng dalawang bruha kong kaibigan na naka upo sa sofa. Sigurado akong naiinip na ang mga ito sa kakahintay sa akin.
"Grabe ka naman bestie, ang tagal mong bumaba. Nilalamok na kami sa kakahintay sayo dito." Maarteng sabi ni Alicia.
"Wag ka ngang O.A dyan.! Isang oras lang naman kayong naghintay sa akin ah. At kung makapagsabi ka naman na nilalamok akala mo naman sa labas mo ako hinintay." Mataray kong sagot sakanya.
"Hep hep hep.! Tama na yan guys. Baka saan pa mapunta iyang away nyo. Ang mabuti pa umalis na tayo dito dahil baka mamaya nyan ma'stuck pa tayo sa traffic." Awat naman ni Bianca sa amin.
Pero kahit naman ganito kami magbangayan na magkakaibigan ay kahit kailan hindi kami umabot sa pisikalan. Maaari ngang nagtatarayan kami minsan pero bumabalik naman agad kami sa dati. Hindi ko naman matitiis ang dalawang ito noh.
Sa tagal ba naman naming magkakaibigan ay tinuring ko na silang kapatid at ganun rin naman sila sa akin. Kaya nga mahal na mahal ko ang mga bruhang ito eh. Dahil kahit na mataray, suplada at may pagka spoiled brat ako. Kahit kailan wala akong narinig na masasamang salita mula sa kanila. Bukod sa pamilya ko, sila ring dalawa yung nagmamahal at nagmamalasakit sa akin ng totoo.
"Teka lang Sam. Nasaan na yung tatlo mong BG.? Huwag mong sabihing tatakas na naman tayo ah. Jusko.! Papagalitan na naman kami nito ni Tito Roman eh." Palatak ni Alicia habang nakahawak sa kanyang sentido na aakalain mong may malaking problema.
Paano ba naman kasi, nadamay rin sila sa panenermon ni dad kaya ayan parang hindi mapakali.
"Oo nga naman Sam, nasaan na sila.?" Nagtataka na ring tanong ni Bianca.
"Pwede bang magrelax muna kayo guys.? Ganito kasi yan ok.?" Kinuwento ko naman sa kanila ang napag'usapan namin ni dad.
"Ang weird naman ata ng kondisyon na hinihingi ng Dad mo. But anyways, I think we should celebrate that good news. At least hindi na iinit iyang ulo mo dahil wala nang bubuntot sayo saan ka man magpunta." Panunukso sa akin ni Bianca.
"Ewan ko sa inyo, umalis na nga lang tayo." Kunway inis kong sabi at nauna na akong pumasok sa driver seat dahil ako ang magmamaneho.
Samantalang ang dalawang bruha kong kaibigan hindi parin tumitigil sa panunukso sa akin.
"Saan tayo ngayon guys.?" Tanong ko sa mga ito.
"MOA tayo bestie.!" Sabay na sigaw nilang dalawa.
"Kailangan talaga magsabay eh noh.?" Pagtataray ko sakanila na ikinasimangot nilang pareho.
Habang papunta kami sa aming distenasyon ay may itim na kotseng muntik nang bumangga sa amin. Buti na lang napaiwas agad ako at mabilis na pina'ikot ang manibela.
Shit.! Ano bang problema nang taong yun at may balak pa ata kaming patayin.?!
"Aray ko naman.! Muntik na akong mabunggo sa salamin. Gosh.! What a reckless driver.!" Naiinis na sabi ni Bianca habang sinusundan namin ng tingin ang papalayong kotse.
"Ano naman ang nakain ng driver ng kotseng yun.? Balak atang pumuntang langit pati tayo isasama pa nya.!" Galit namang sigaw ni Alicia.
"Hayaan nyo na lang yun, baka nagmamadali lang sya. Ang importante ligtas tayo." Pagpapahinahon ko sa kanila dahil mukhang bubuga na ng apoy ang mga ito.
Wala na rin namang umimik sa mga ito hanggang sa makarating na kami sa MOA. Pero ang kaninang katahimikan ay napalitan ng tili dahil excited na pumasok sa loob ang dalawang ito na para bang walang nangyari kanina sa daan. At parang mga bata na ngayon lang naipasyal ng kanilang mga mgulang sa isang parke.
Hays. Mga isip-bata talaga minsan ang mga bruhang ito.
"Bilisan mo namang maglakad bestie." Pagmamadali sakin ni Alicia na ikinataas ng kilay ko.
"Hindi pa naman siguro magsasara itong MOA para magmadali kayo ano po.? At pwede naman sigurong hinaan nyo lang ang paghila sa akin para naman hindi ako madapa dito." Pamimilosopo ko sa mga ito.
"Hehehe sorry bestie. Excited lang talaga kaming pumasok ulit dito. It's been two weeks na kaya na hindi tayo nakapamasyal dito noh." Nakangusong sabi ni Bianca.
"Halata nga eh. Yung two weeks parang two years na sa inyo. Tsk. Pumasok na nga lang tayo dahil mukha na kayong baliw tingnan rito." Pagbibiro ko na ikinasimangot na naman nilang dalawa.
Una naming pinuntahan ang bag and shoes department. At isang red stilletoe ang napili ko. Simple lang kasi syang tingnan pero maganda.
"Tingin nyo best. Bagay ba sa akin.?" Tanong ko sa mga ito pero pagtingin ko sa aking likuran ay wala na pala akong kasama.
Letse.! Saan na naman kaya nagpunta ang dalawang yun.? Bigla-bigla na lang nawawala eh.
Makapunta na nga lang sa mga damitan, mag te'text naman ang mga iyon kapag hindi nila ako nakita.
Habang namimili ako ng mga magagandang damit ay napako ang aking atensyon sa isang babae, na tumitingin rin sa mga damitan habang may kausap sa kanyang cp.
Pansin kong may tatoo sya sa kanyang right wrist na ikinamangha ko. Wow.! Ang astig naman nya. Ako nga masugatan lang ang kamay umiiyak na ako, ano pa kaya yung magpa'tatoo.
I tried to look at her face dahil parang pamilyar ang kabuuan nya, pero hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng cap na parang sinadyang ibinaba ng konti. Dahilan para hindi ko makita ang kalahati ng kanyang mukha.
Maikli ang buhok nito na hanggang balikat lamang at sa tingin ko matangkad ito ng kaunti sa akin. Simple lang din ang suot nito. Naka black fitted jeans at black converse na tinernuhan ng white longsleeves na tinupi hanggang siko.
Siguro mahilig sya sa black and white na kulay. Pero teka nga muna. Ano namang paki-alam ko sa kanya.?
Wait. Am I checking her out.?! Gosh.! Ano bang nangyayari sa akin.? Waah.! Hindi na talaga ako 'to.
"Hoy bestie ok ka lang.?" Pukaw sa akin ni Bianca na ikinagulat ko ng bahagya.
"Huh.? Uhh. Oo naman. Okay lang ako. Ba't naman hindi.?" Agad kong sagot sakanya.
"Sigurado ka bang okay ka lang.? Ba't parang balisa ka ata.?" Kunot noong tanong ni Alicia.
Am I.?
"Huh.? Hindi ah.! Alam nyo guni-guni nyo lang yun. Baka gutom na kayo. Ang mabuti pa kumain na muna tayo. Pero bago yun bayaran ko muna itong dala ko." Pag-iiba ko ng usapan.
Mukha namang nakalusot ako dahil nagliwanag ang mukha ng mga ito. Kahit kailan talaga kapag pagkain ang pinag-uusapan ang bilis magbago ng mood ng dalawang ito. Ang takaw talaga.!
"Sa Japanese Restaurant tayo huh." Suhestyon ni Alicia.
"Yeah sure."
Pagkatapos kong bayaran ang pinamili ko ay pumunta na kami sa japanese restaurant dito sa MOA.
Habang naglalakad kami ay may mga batang naghahabulan at ang isa sa mga ito ay mabilis na tumakbo papunta sa direksyon namin. Huli na para umiwas dahil nabunggo na ako nito dahilan para mawalan ako ng balanse.
Napapikit na lamang ako ng mata habang hinintay kong bumagsak ako sa sahig. Pero may dalawang kamay ang humawak sa aking bewang kaya naudlot ang paghalik ko sana sa sahig ng mall.
Kung sino man ito talagang mapapasalamatan ko sya dahil sa kanyang ginawa.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tingnan ang taong sumalo sa akin, but then I saw a pair of those big brown round eyes na parang pang'anime lang.
Nakaka'intimidate nga lang tingnan dahil wala kang makikitang emosyon sa mga ito na kasing lamig ng yelo kung tumitig. My heart beat fast when she look at my lips pero agad din naman nitong ibinalik ang tingin sa aking mga mata habang nakakunot ang noo nito.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo Miss." Cold nitong sabi na mas lalong nakakuha ng aking atensyon. Para kasing pamilyar ang boses nya.
Sasagot na sana ako nang makabawi sa pagkakagulat ngunit naka'alis na pala sya sa aking harapan. At naglakad na ito palayo habang nakapamulsa sa suot nyang pantalon.
Ngayon ko lang naalala na sya pala yung babae kanina sa mga damitan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero parang gusto ko syang makilala.
Damn.! Malala na talaga 'to.
___________