SaSA-2

1095 Words
"Good morning bestie!" Masayang bati ni Bianca sa kanyang kaibigan na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa tatlong lalaki na nasa likuran nya. "Anyare sayo teh.? Umagang-umaga lukot na 'yang mukha mo. Para kang binagsakan ng langit at lupa." Puna din ni Alicia sa kaibigan. "Sino ba naman kasi ang hindi maiimbyerna sa sitwasyon ko ngayon.? Kung maka buntot itong tatlong ito akala mo naman lalayasan ko sila. At talagang sumunod pa talaga dito sa loob ng paaralan." Pagmumukmok ni Samantha habang sinusulyapan ang tatlo nyang bodyguard na nasa likod lang nya. Seryoso ang mukha ng mga ito na inilibot ang paningin sa kabuuan ng paaralan. Tinotoo talaga ng kanyang ama ang sinabi nito na bibigyan sya ng bodyguard. Hindi naman ito marami 'di gaya ng inaasahan nya. Yun nga lang mahigpit na nagbabantay ang mga ito sakanya. Kaya kahit sa loob ng paaralan sinusundan parin sya ng mga ito. "Hayaan mo na lang ang mga iyan bestie. Hindi kasi natin alam kung aksidente lang ba ang pagkakabangga sayo o baka naman sinadya talaga yung gawin." Suhestyon naman ni Bianca sa kaibigan. "Tama si B, Sam. Mabuti na yung nag-iingat ka. Alam mo namang maraming kakompetensya sa negosyo ang papa mo. Baka mamaya nyan ikaw pa ang pag-initan." Sang-ayon naman ni Alicia. "Maaaring tama kayo guys. But I felt sorry for them dahil gagawa ako ng paraan para maalis sila sa landas ko." Sagot ni Samantha sa mga kaibigan habang nakangiti na tila may naisip gawin na kalokohan. "Heto na naman tayo." Naiiling na sabi ni Bianca. "Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng ngiting 'yan Sam. Kaya sana huwag mo nang ituloy ang kung ano man iyang naiisip mong gawin." Singit ni Alicia. She knew her bestfriend so much. "Relax guys. Magiging masaya 'to promise." Nakangising sagot ni Samantha sa kanyang mga kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ang kanyang mga kasama dahil sa kanyang kapilyahan. "Oh sya.! Pumunta na tayo sa classroom dahil malapit nang magsimula ang klase natin." Pag'aya ni Bianca sa dalawa kaya tumayo na sila habang ang tatlo namang bodyguard ni Rhian ay handa na sanang sumunod sa kanila. "Teka nga muna.! Wag nyong sabihin na hanggang sa loob ng classroom ay sasama pa kayo sa akin.?" Mataray nyang tanong sa mga ito. "Pasensya na po kayo Ma'am Samantha. Pero sumusunod lang po kami sa utos ng iyong ama na bantayan ka kahit saan kapa magpunta. At isa pa po, sa labas lang po kami ng iyong classroom maghihintay." Magalang na sagot ng isa sa mga ito. "What.?! Are you f*****g serious.?!" Sigaw nya sa mga ito. "Hey Sam. Calm down ok.? Pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante dito oh." Saway ni Bianca sa kaibigan na halos bumuga na ng apoy dahil sa inis. Tumingin naman ito sa paligid at tama nga si Bianca dahil pinagtitinginan na sila ng mga estudyanteng dumadaan sa may hallway. "So anong tinitingin-tingin nyo dyan.? Ano.?! Gusto nyo bang sumali sa usapan namin.?!" Mataray nitong sabi sa mga studyante na tila natakot dahil biglang nag'sipag alisan ang mga ito. Padabog din syang umalis sa kanilang pwesto. "Pagpasensyahan nyo na lang po ang kaibigan naming iyon. Ayaw nya lang talaga na may sumusunod sa kanya." Hingi naman ng tawad ni Bianca at Alicia sa tatlong bodyguard para sa kaibigan habang sinusundan nila ito. "Ok lang po yun ma'am. Sanay na po kami dahil na rin siguro sa uri ng aming trabaho." Sagot naman ng isa sa mga ito. "Nakakainis talaga.! Ugh! Kailangan kong maka'isip ng paraan para maisahan ang mga yun." Samantha thought habang inis na ibinagsak sa kanyang upuan ang bag na dala nito. "Mukhang wala ata ngayon sa mood ang Queenbee ah." Biglang sulpot naman ng isang lalaki sa kanyang harapan kaya hindi nya maiwasang di sumimangot nang makilala kung sino ito. Siya lang naman si Harvey Morgan, isa sa mga manliligaw nya. Isa rin ito sa tinitilian ng mga kababaihan sa kanilang paaralan dahil sa ka'gwapuhan nito. Isa itong basketball player at captain ball pa kaya maraming babae ang humahanga sa binata. Pero wala itong dating sakanya. Ang totoo nyan, nayayabangan sya rito kaya kahit anong gawin nitong panliligaw sakanya ay hindi nya makuhang sagutin. At isa pa, wala syang kahit kunting pagtingin rito. "Please lang Harvey, wag kang mang inis dyan. Huwag ngayon." Mataray nyang sagot dito. "Woah.! Relax tiger. Hindi ako pumunta dito para makipag away. I just wanted to invite you for dinner. Siguro naman ngayon pagbibigyan mo na ako.?" Hopeful na tanong ng binata. Matagal na kasi sya nitong inaaya na kumain sa labas pero lagi syang tumatanggi rito dahil ayaw nyang mag-isip ito ng kung ano. "Look Harv. Wala akong oras para sa mga ganyan ok.? And please stop what you're doing. I already told you wala akong nararamdaman para sayo. You are just a friend to me kaya sana pati iyon ay hindi masira." Diretsa nyang sabi rito. Natigilan naman ito sa sinabi nya pero agad ding nakabawi. "I'm sorry Sam. But I won't stop courting you until you've realize that I am the one for you. Coz you know what.? I have this feeling na may gusto ka rin sa akin pero ayaw mo lang aminin. Sad to say, were just the same. I can also get what I want, and I want you. So I'll make sure you will be mine soon." Naka smirk nitong sagot bago umalis. Mas dumoble lang ata ang inis na nararamdaman nya kanina dahil sa sinabi ng kumag na iyon. Sakto naman ang pagpasok ng kanyang mga kaibigan at naabutan syang magkasalubong ang perpekto nyang kilay. "Bwesit.! Ang yabang talaga.! Kung makapagsalita akala mo kung sino at kung umasta parang isa ako sa pagmamay-ari nya." Galit nyang sabi. "Hulaan ko kung bakit ka nagkakaganyan bestie." Sabi ni Alicia na tila nag'iisip. "Hmm. Kinukulit kana naman ni Harvey no.?" Panghuhula nito. "Ano pa nga ba.?" Sagot nya rito at kinuwento ang sinabi ni Harvey sa kanya. "Wow.! He do really have a guts to say that word huh." Taas kilay na sabi ni Bianca. "Ay grabe.! Hindi ko talaga bet yang manliligaw mo bestie." Inis ring sabi ni Alicia. "Don't worry bestie. Hindi lang ikaw dahil pati rin ako. In short tayong lahat." Sang-ayon ni Bianca sa kaibigan. "Hay.! Ayoko munang isipin yan bestie, nasi'stress lang ako. Ang mabuti pa BGC tayo mamaya." Nakangiting tanong ni Rhian sa dalawa. "Okey lang naman sa amin eh. Pero paano naman yung mga BG mo.?" Tanong ni Alicia sakanya. "Akong bahala. Basta tuloy tayo mamaya." Nakangising sagot ni Samantha sa kaibigan. __________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD