Samantha Pov "Oh, ba't namumula iyang mukha mo.? May sakit ka ba.?" Tanong ni Bianca pagbalik ko sa hapag'kainan. Napalingon tuloy ang mga kasama namin dito sa aking pwesto. Hays. Ang daldal talaga ng babaeng ito. Tsk. "No, I'm ok. Naiinitan lang siguro ako kaya namumula itong mukha ko. Alam mo na, mestisa. Hehehe." Sagot ko rito at pilit na tumawa para makumbinsi ko sya. Baka kasi hindi na ako lubayan nito sa kakatanong. "Ok, if you say so." Kibit-balikat nitong sagot at hindi na nagsalita pa. Mabuti naman kung ganon dahil hindi ko na alam kung ano pa ang palusot na ibibigay ko sa kanya. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Pero hindi ko maiwasang 'di mapatingin sa babaeng kakaupo lang ngayon at tahimik nang kumakain. Napalingon pa ito sa akin and it's too late para umiwas ng t

