Samantha Pov
Lunch break na at nag-aya sina Mike since wala pa daw silang kakilala dito bukod sa amin. At isa pa libre naman nila kaya oo agad ang sagot ng dalawa kong kaibigan.
Pag libre talaga ang paguusapan mabilis pa sa alas kwatro ang dalawang 'to. Tsk.!
Inaya rin nila si Max pero ayaw sumama nung isa dahil pupunta pa daw ito sa library at may importante pa raw itong tatapusin. Hindi naman sinabi kung ano kaya hindi na lang namin sya pinilit.
Hindi rin namin kasama ngayon ang cold nilang kaibigan dahil may pupuntahan daw ito sandali pero hindi sinabi kung saan at wala akong pakialam doon.
But anyways, mababait naman sila Mike. Yun nga lang, ang isa sa kanila ay parang pinaglihi sa sama ng loob. Paano naman kasi walang imik. Laging seryoso ang aura at walang ka'emo-emosyon ang mukha. Higit sa lahat, napaka cold pa.
Kapag tatanungin naman nila Mike, isang sagot lang ang ibibigay nito tapos wala na. Tahimik na naman. Hays. Napaka misteryosa nya talaga.
Papunta na kaming canteen nang biglang magsigawan ang mga studyanteng babae. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero talagang tinitilian kaming magkakaibigan ng mga studyante rito mapa'babae man o lalaki. Mas lalo lang ngang umingay ngayon dahil kasama namin ang dalawang lalaking ito na kabilang na rin agad sa mga campus crushes dito sa paaralan.
Sa totoo lang gwapo at hot naman silang dalawa. Yung tipong makalaglag panga kapag nakita mo silang dumaan sa harapan mo. Pero ewan ko ba.! Wala talaga akong matipuhan sa kanilang dalawa.
Pagdating namin sa canteen ay agad nagtanong ang dalawa naming kasamang lalaki kung ano ang gusto naming kainin. Kaya pagkatapos naming sabihin ay agad na nagpunta sina Mike sa unahan para mag order.
"Ang gentleman nila noh.?" Komento ni Alicia na mukhang kinikilig pa ata.
"Tama ka dyan bestie. At ang babait pa." Segunda naman ni Bianca.
"Maliban na lang dun sa isa nilang kasama." Sabat ko bigla sa sarkastikong tono kaya napalingon sa akin ang dalawa kong kaibigan.
"Grabe ka naman bestie. Hindi pa natin masyadong kilala si Alexis. Malay mo mabait talaga sya kahit na malamig syang makisama." Pagtatanggol ni Alicia sa panda na iyon.
Hindi ko tuloy maiwasan magtaas ng kilay dahil sa sinabi nya.
"Eh ba't ikaw.? Kilala mo na ba sya para sabihing mabait syang tao.?" Mataray kong sagot sakanya.
"Hep.! Tama na 'yan guys. Baka magkapikunan pa kayo. At saka Sam, ba't ba inis na inis ka kay Alexis.? Diba dapat nga magpasalamat kapa kasi may chance na maging magkaibigan kayo nang taong nagligtas sayo ng dalawang beses." Sabi ni Bianca na ikina'ikot ng mata ko.
"Yun na nga eh.! I'm trying to approach her and did my best to be her friend pero walang nangyari. Tulad na lamang kanina. Nginitian ko sya nung mapalingon sya sa gawi ko pero anong ginawa nya.? Ayon tinaasan lang naman ako ng kilay.! At itinuon ulit ang atensyon sa labas ng bintana. Akalain nyo yun.? Dinedma nya ang isang Samantha Cruz Howell.! Kung mga lalaki ang nginitian ko ng ganun baka naglupasay na sa tuwa pero sa kanya, dedma lang.? And FYI, halos lahat ng mga studyante dito gusto akong maging kaibigan pero sakanya parang wala lang ako sa paningin nya.! Alam nyo ba kung ano ang pakiramdam ng ganun.? Yung feeling na------"
Hindi pa ako tapos maglitanya nang biglang sumingit si Alicia.
"Yung feeling na ano.? Yung naaapakan ang pride mo, ganun ba.?" Taas kilay na tanong nito.
"What.?! No.! I--It's just that. Uhm.---" Utal-utal kong sabi dahil diko alam kung ano ba ang tamang isagot sakanya.
"See.? Hindi ka makasagot kasi tama ako noh.? Naiinis ka sakanya kasi sya lang naman ang unang tao na hindi tinablan ng charm mo. Sya rin yung tipo ng tao na walang pakialam sa presence mo. At higit sa lahat, sya yung unang tao na hindi nadala sa ngiti mo which is ngayon lang ata nangyari. Dahil alam naman nating lahat na iyang ngiting 'yan ang kinababaliwan ng mga lalaki even some girls. At ang ngiting rin 'yan ang ginagamit mo kapag gusto mong mapasunod ang isang tao sa gusto mo, but unfortunately hindi yun umubra sakanya. At kaya ka nagkakaganyan dahil nakikita mo na yung taong ka'match mo. Hahaha." Sagot nito sa akin at nakuha pa talaga nyang tumawa. Tsk.!
"Tama naman ang sinabi ni Alicia, Sam. Pwedeng nagkakaganyan ka kasi naaapakan ang pride mo. Pero pwede namang may ibang dahilan kaya ka naiinis sakanya sa hindi nya pagpansin sayo." Sabat ni Bianca habang nakangiti ng nakakaloko.
"At ano naman iyon aber.?" Mataray kong sagot rito.
"Gusto mo sya.!" Sabay nilang sagot na ikinagulat ko lalo na sa kanilang sinabi.
Magpo'protesta pa sana ako pero papalapit na sina Mike kaya pinaningkitan ko na lang sila ng mata.
Humanda talaga kayong dalawa sa akin mamaya.
"Pasensya na guys kung natagalan kami. Medyo mataas kasi ang pila sa cashier." Hinging paumanhin ni Mike.
"It's ok. Saka pwede namang hindi na kayo pumila doon. Sabihin nyo lang na kaibigan ko kayo para kayo ang unahin." Sagot ko sa kanila habang nakangiti.
"Perks of being the daughter of the owner eh.?" Pagbibiro ni Mike na ipinag'kibit balikat ko lamang.
"Okay lang naman sa amin ang pumila doon. Ang unfair naman sa iba kung ganun ang gagawin namin eh pareho lang tayong studyante dito. Saka marami namang nag offer sa amin kanina para kami ang paunahin pero tinanggihan lang talaga namin." Nakangiting sagot ni Steven.
Eh 'di sila na ang gentleman.! At itong dalawa ko namang kaibigan halos himatayin na sa kilig.
Tsk.! Ang lalandi talaga.
"Pwede bang magtanong.? Kung okay lang naman sa inyong dalawa." Biglang sabat ni Alicia.
Ano na naman kaya ang trip na babaeng 'to.?
"Oo naman. Basta wag lang masyadong personal." Natatawang sagot ni Mike.
"No it's not. Um, diba sa France kayo lumaki.? Ba't ang galing nyong magtagalog.?" Tanong ni bestie.
Oo nga noh.? Daig pa ako ng dalawang ito. Medyo slang pa kasi akong magtagalog minsan.
"Uh. Sinanay kasi kami ng mga magulang namin. Kaya kapag nasa loob kami ng bahay ay nagtatagalog kami. Saka mga pinoy naman kasi ang mga kasambahay namin kaya tagalog talaga ang ginagamit namin pag kami-kami lang ang magkasama." Nakangiting sagot ni Mike.
"Ahh. Kaya pala. Anyway, can I ask you about Alexis.?" Bigla nitong tanong kaya hindi ko mapigilang mapalingon sa kanya.
Pero ang bruha nginitian lang ako. Yung ngiting may binabalak.
"Hmm. What about her.?" Kunot noong tanong ni Mike.
"Curious lang kasi ako kung bakit ang lamig nyang makisama. I mean, ganyan ba talaga sya since then.? O sadyang hindi lang talaga sya marunong makihalubilo.? Kasi may ibang tao dyan na nasusupladahan sa kanya." Sabi ni Alicia habang nakatingin sa akin.
Aba't.! Nagpaparinig pa talaga ang gaga.!
"Well, what can I say.? Hmm. Sa totoo lang mga bata pa lang kami malamig na talaga sya makitungo. Kaya nga minsan walang lumalapit sa kanya na mga bata dahil siguro sa takot. Actually, we became friends because of our parents. Magkakaibigan rin kasi ang mga magulang naming tatlo. Saka sa iisang residence lang naman kami nakatira kaya kapag pumupunta si Mom sa bahay nila Al sumasama ako. Kasi nga gusto ko syang makilala." Nangingiting sabi ni Mike, reminiscing the old days.
"Isang araw nung sumama ako kay Mom papunta sa bahay nila, nakita ko syang naglalaro sa gilid ng swimming pool nila. I think I was seven years old that time. Eh yun nga, nung papalapit na ako sakanya bigla na lang syang nagtatatakbo papunta sa kanyang kwarto. Pagkatapos non I ask her Mom why she acted like that. Pero ang sabi lang ni Tita is, hindi lang sanay si Al na may makitang bata na kasing edad lang nya bukod kay Steve. Sya lang kasi ang nag-iisang kaibigan ni Al noon, saka hindi lang daw talaga mahilig lumabas ng bahay si Al. So yun nga, after that naisip ko na puntahan sya lagi para naman may makalaro sya. At lagi ko ring sinasama ang dalawa pa naming bestfriend na lagi kong kalaro dati para naman makilala nila si Al. Actually, nung una mahirap talaga makuha ang loob nya. Al is a smart girl. Hindi sya yung tipo ng bata na madaling magtiwala. Pero ganun pa man hindi kami nag give up. Pinaramdam namin sakanya na sincere talaga kami sa pakikipagkaibigan sa kanya. And then doon na nga nagsimula ang samahan naming lima. Stay strong and healthy naman ang relationship naming magkakaibigan hanggang ngayon." Mahabang litanya ni Mike na nagbiro pa sa huling sinabi nito.
So ganun na talaga sya ka'cold dati pa.?
Hmm. Interesting.
"Wow. Ang swerte naman ni Alexis dahil mayroon syang kaibigan na tulad nyo. Hindi katulad ko, ang malas sa kaibigan." Pagbibiro ni Alicia kaya nakatanggap sya ng batok mula sa amin ni Bianca.
Natawa tuloy ang dalawang lalaki sa harapan namin.
"Nope. You're wrong. Ang sabihin mo, kami ang ma'swerte dahil mayroon kaming kaibigan na tulad nya. Maybe yes, people think that she's a cold hearted person but they don't know who really she is. Siguro nga kasing lamig sya ng yelo kung makisama, pero kapag napalapit ka sa kanya, doon mo malalaman yung totoong sya. And it's up to you guys to find out what's her real attitude. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi sya suplada gaya ng iniisip nyo." Nakangiting sabi ni Steven pero sa akin lang sya nakatingin.
Geez.! Nakakahiya.! Humanda ka talaga sa akin mamaya Alicia. Pero in fairness huh. Mukha namang 'di talaga ganun ang ugali ng panda-- este ni Alexis pala.
Hmm. Siguro nga tama sina bestie. Masyado lang akong nadala sa inis ko sakanya kaya naging judgemental na agad ako. Mukha naman syang mabait base sa sinasabi nina Steven at Mike, though I found her mysterious naman dati pa.
And sabi nga ni Steve it's up to us to find out, kaya sisiguraduhin kong malalaman ko kung ano talaga ang totoo nyang ugali.
Nagtanong pa ng kung ano-ano ang mga bruha kong kaibigan about sa lovelife ni Alexis pero hindi na sila sinagot nung dalawa dahil masyado na daw personal. At hindi daw sa kanila dapat manggaling yun dahil may respeto sila sa kanilang kaibigan.
Mukha tuloy nalugi ang pagmumukha nila bestie. Natawa na lang kaming tatlo pero sa totoo lang pati ako nacu'curious rin sa kanyang lovelife.
Ayoko namang magtanong noh.! Baka mamaya isipin pa nila na masyado akong interesado sa kanilang kaibigan.
Maya-maya pa ay narinig na namin ang sigawan ng mga studyante sa paligid namin.
Ano ba yan.! Mukhang nakalunok ng megaphone ang mga ito. Paano kasi ang lakas makasigaw. Parang nakakita ng celebrity. Nakaka'irita.
"Nandito na sya.! Gosh.! Ang hot nya talaga."
"Crush ko na talaga sya. Yummy."
"Oo nga kahit babae pa sya handa akong magpaka-alila sakanya."
"Tama ka dyan girl. Ang swerte ng magiging girlfriend nya."
Ilan lamang iyan sa mga naririnig namin mula sa mga malalanding studyanteng ito.
Pagtingin ko sa likod namin ay nakita ko si Alexis na papalapit sa aming pwesto. Yes guys, nalaman na ng buong campus ang tungkol sa preference nya.
Akala ko nga mandidiri ang iba pero hindi yun ang nangyari. Maraming lalaki ang nanghinayang pero mas marami ang nagkakagusto sakanya lalo na mga babae.
Tumingin sya sa aming kinaroroonan. Biglang kumunot ang noo ko when I felt a sudden weird feeling. Pakiramdam ko tumigil ang oras nang magtama ang mata namin. Para bang slow motion ang nangyayari.
Hays. Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doktor. Ang bilis na naman kasi ng heartbeat ko lalo na kapag malapit lang sa akin si Alexis.
Shit.! Ano ba ang nangyayari sa akin.?!
______________