Caleb's POV Nagpaalam na ang pamilya ni Ysha matapos ang mahabang family meeting tungkol sa kasal namin. Halata namang pagod na si Ysha, pero nanatili ang kanyang magiliw na ngiti habang yakap ang ina bago ito sumakay ng kotse. "Hinay-hinay lang sa preparations ha, anak," biro ng daddy niya. "Kami na bahala sa iba." "Salamat po," sagot ni Ysha na tila may halong pagod ngunit puno ng respeto. Nakangiti akong naglakad sa tabi niya palabas ng bahay. Tahimik kaming naglalakad hanggang makarating kami sa gate. "Hinatid mo pa talaga ako, ha?" biro ni Ysha habang bahagyang siniko ako. "Kahit saan naman, ihahatid kita," sagot ko, may halong ngiti. "Kahit pa sa Cebu ulit." Napahagikhik siya. "Naku, baka hindi na tayo payagan ngayon kung maririnig 'yan." Pinigil ko ang tawa ko. "Kahit na, gu

