Caleb POV Naglakad ako papasok ng bar, ang utak ko ay puno ng mga alalahanin at tanong. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko kayang kalimutan si Elara. Matapos ang mga nangyari, parang may something na naiwan sa akin—isang kalungkutan at isang pagkagusto na hindi ko maipaliwanag. Kaya naman bumalik ako dito, sa lugar kung saan unang nagkrus ang mga landas namin. Habang naglalakad ako, sinubukan kong maghanap ng pamilyar na mukha. Lumingon-lingon ako, umaasa na sana'y makita siya. Hindi ko alam kung anong dahilan, pero hindi ko kayang tanggapin na matapos na lang ang lahat ng nangyari sa amin, na parang wala na akong natutunan o naramdaman. Lumipat ako sa taga nasa counter at nagtanong. "May nakita ka bang babaeng nakapula ngayon?" Tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang nagtaka kaya

