Caleb POV Nilibot nila ang buong Baguio, at kahit medyo pagod, hindi maitatanggi ang saya sa bawat sandali. Nagsimula sila sa mga sikat na pasyalan, at nauna silang pumunta sa mga super market. Madalas, si Ysha ang nagdedesisyon kung anong mga produkto ang bibilhin, at siya na rin ang naglalagay sa cart nila. “Gusto ko ‘to, Caleb. Bibilhin ko ‘to,” sabi ni Ysha habang tumutok sa isang set ng mga dessert na matamis at mukhang masarap. Napangiti si Caleb habang tinitingnan ang kasamahan. Alam niyang masaya si Ysha, kaya kahit na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nilang bilhin ang mga bagay na ito, sinuportahan na lang niya. “Okay lang. Bahala ka,” sagot niya habang binabayaran ang mga pinamili. Habang patuloy na naglalakad, hindi napigilan ni Caleb ang mapansin ang bawat ga

