TSO C9 CHARMAINE POV Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. hindi ko na kasi pwede pang bauhin ang sinabi ko kay Sir Nico kanina. hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niyang mangyari. hindi ko alam kung bakit oo lang ang naisagot ko sa alok niyang kasal sa akin kanina. “Hoy!” Nagulat ako ng bigla nalang akong sigawan ni Chamae. hindi ko kasi napansin na nasa likuran ko na siya. “Bakit ang lalim ng iniisip mo? may problema kana naman ba?” Mabilis naman akong tumango sa kanya. “Ano ba ang problema mo? ‘wag mong sabihing aalis kana rito?” “Chamae, hindi ko alam kung matutuwa ka sa sasabihin ko, oh baka…” “Baka ano? pwede ba sabihin mo na kung ano man ‘yang problema mo.” Wika niya sa akin habang umupo sa aking tapat. “S-si Sir Nico kasi…” “Oh! bakit? pinagalitan ka na naman

