TSO C13 CHARMAINE POV Hindi ko mapigilang malungkot dahil tumawag si Nico sa akin at sinabi niyang pupuntahan niya ang isang site nila sa Cebu. gusto ko sanang sumama pero hindi naman pwede, baka rin kasi maging distraction lang ako sa kanya roon. Tumayo ako sa kama at napatingin sa pool. medyo hindi na rin kasi ako sanay na wala siya sa tabi ko. nakasanayan ko na kasi na kayakap siya kapag natutulog. Naisipan ko naman na kunin ang swimsuit ko dahil maliligo nalang ako sa pool. Nang makababa ako ay tahimik na ang buong bahay. mukhang nagpapahinga na rin ang mga katulong. Lumusob na agad ako sa pool at lumangoy. sumisid naman ako sa ilalim ng pool at ng umahon ako ay hindi ko maiwasang magulat dahil nahawakan ko ang paa ni Adrian na nakatayo malapit sa akin. “A-anong ginagawa mo ri

