Hindi ako pwedeng magkamali sa taong nakita kong pumasok sa may pintuan kung kaya nagmamadali akong umalis sa tabi ni Wendy. Busy ang kaibigan ko sa paglilista ng pangalan ng mga batang nakapila sa kaniyang harapan kaya sigurado naman akong hindi niya hahanapin. Isa pa'y naroroon din sa tabi niya sina Stanly at Stefania na may ginagawa at tumutulong din. Napansin ko ang pagpapapansin ni Stanly kay Wendy, kaya inunahan ko agad ng babala ang aking kaibigan. Si Kuya Brent pa rin ang gusto kong maging asawa niya kahit pa nga bulag ang kapatid kong makita siya. Siyempre higit na gwapo pa rin sa'kin paningin ang kuya ko at talagang si Wendy lamang ang gusto kong hipag, kung kaya bawal na siyang ligawan ng ibang mga lalaki. Nabalik sa kasalukuyan ang aking isipan nang bumukas ang pintuan. Si

