Nagising akong masakit ang katawan ko dahil sa pinaggagagawa namin ni Stephen. Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakapatong sa tiyan ko at saka umahon mula sa ibabaw ng kama. Pa-tiptoe akong naglakad patungo sa may pintuan matapos magbihis ng damit. Mahirap na at baka magising ko pa siya, tiyak na ‘di ako makakaalis sa kaniyang tabi. Malapit lang naman ang kwarto ko sa kwarto ni Stephen kaya hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili ko. Hindi naman mahahalatang gulo-gulo ang buhok ko dahil sa madilim na ang paligid. Gabi na rin kasi. Nang nasa loob na ko ng kwarto ay nakaramdam ako ng uhaw. Binuksan ko ang cooler at wala akong nakitang tubig inumin do’n kung kaya naisipan kong pumunta ng kusina. Nagkataon namang palabas na ako ng pintuan nang mapansin ko si Wendy na pa-tip

