Pinahinto ko na ang driver saka sabay na kaming bumaba ni Wendy mula sa taxi na aming sinasakyan.
Binayaran ko ang taxi driver at sabay na kaming naglakad ni Wendy. Agaw pansin ang ginagawa naming paglalakad dahil panay lagatok sa sahig ng mga heels ng suot naming sapatos.
Habang naglalakad patungo sa building kung saan naroon ang bar ay naagaw rin ang atensyon ko ng mga taong tambay na nag-iingay.
Sila ang grupo ng mga kabataang wala na yatang ibang ginawa kung hindi ang tumambay na lamang. Abalang-abala sila sa pagkumpas ng kanilang mga sarili sa salamin habang maingay na nag-uusap.
Malalakas ang kanilang mga tawanang naririnig ko, habang nagbubulungan ang iba sa isa't isa.
Lumalakas ang tugtog na lumalabas mula sa loob ng bar habang papalapit na kami ni Wendy sa may entrance niyon.
Hinawakan ko ang kamay ni Wendy para hindi kami magkahiwalay dahil mukhang maraming tao sa loob. Itinulak ko na ang pintuan at sabay kaming pumasok sa loob.
Ang musika ng DJ ay dumadagundong sa buong paligid at halos mabingi na niyon ang mga tainga ko lalo na at rock ang tugtog.
Ang mga mesa at upuan sa kabilang bahagi banda ay pawang nakabagsak na dahil sa palarong labanan yata iyon sa pagitan ng baliw na kalalakihan. Pero ‘di naman sila mukhang baliw talaga dahil sa maayos ang kanilang mga kasuotan.
Panay ang hiyawan naman ng ibang tao sa may kabilang bahagi ng bar. Ang mga ingay nila ay sumasaliw sa ingay ng pang-disco na musikang pinatutugtog sa buong paligid.
Ang ilan sa mga kababaihan sa dance floor ay panay ang indayog ng kanilang mga balakang na sinasabayan pa ng mga puwet nilang akala mo nama'y magaganda ang hubog. Ang mga lalaki namang pinipilipit at iginigiling ang mga sarili sa mga babae ay laban na laban din sa pag-indayog.
"Come on, Wendy, let's go!" hiyaw ko sa kaibigan matapos ang ilang segundong pag-obserba sa paligid.
Dumiretso ako ng lakad patungo sa may bar counter habang sinusundan naman ako ni Wendy.
Ang amoy ng iba't ibang uri ng alak, usok ng sigarilyo, pawis at amoy citrus ay sama-samang umaalingasaw sa’king pang-amoy nang makarating sa may bar counter.
Masikip ang bar dahil sa napakaraming taong naririto. Mabuti na lang talaga at nakapagpareserba pa ako kanina kaya kahit papaano ay may espasyo para sa aming dalawa ni Wendy.
Umupo si Wendy sa may stool na yari sa aluminum na nakahilera sa harapan ng bar counter habang inihihilig ko naman ang aking likuran sa may counter top gamit ang mga siko ko.
"So, anong dahilan ba't tayo nandirito?" tanong ni Wendy sa malakas na tinig.
"Hindi ko na matandaan kung kailan tayo huling nagpunta ng bar," Medyo pasigaw akong sumagot sa kaniya dahil sa ingay ng paligid.
"Whatever!" Pinaikutan niya lamang ako ng kaniyang mga mata dahil alam niyang ayaw kong pag-usapan ang topic na iyon.
"Let's drink!" aya ko sa kaniya.
"H'wag tayong magpakalasing at baka hindi tayo makauwi," aniya. “Malilintikan tayo sa kuya mo!”
"Oh, come on, Wendy! Stop acting like a teenager!" Inirapan ko siya sabay pihit paharap sa may bar counter.
"What's your drink, Mam?" tanong ng baritonong tinig na ‘di ko pinansin.
"Whisky, please!" tugon ko saka dinukot ang telepono mula sa loob ng bulsa ko.
Naramdaman ko ang presensiya nang paglapit sa may counter ng bartender. ‘Di ko siya binigyan pansin dahil abala ako sa pagdudutdot sa aking telepono, pero nahagip ng pansin ko ang mga manggas niyang bahagyang itinupi paitaas sa kaniyang mga braso.
May inilabas siyang dalawang maliliit na baso at isang bote ng alak. Narinig kong binuksan niya ang bote at saka sinalinan ng alak ang stainless na baso upang ikut-ikutin iyon bago ilagay sa loob ng basong nilapag niyon sa aking harapan.
Inangat ko ang ulo at nahagip ng aking paningin ang matipunong katawan ng bartender.
Kitang-kita kasi sa suot nitong puting polo ang maumbok niyang kalamnan at talagang nakakaengganyong titigan iyon lalo pa't nakahantad ang mga bariles ng kaniyang dibdib na hindi natatakpan.
Napakurap ang mga mata ko nang madako iyon sa kaniyang mga matang abala rin sa pagtitig sa’kin. Nasamid pa ako ng sariling laway nang ngitian niya ako. Shemay!
Ang nagyeyelo niyang asul na mga mata ay kagaya lamang sa kaniyang mukhang may malakas at malinaw na istraktura ng mga buto. Ang hot niyang tingnan lalo na nang sumandal siya sa may dingding at humalukipkip doon.
"God!" Sunod-sunod na akong napaubo dahil sa maling paglunok ko ng sariling laway.
Hinagod ni Wendy ang aking likuran ng ilang beses hanggang sa tuluyan na rin akong nakalma.
"Ano ba'ng nangyayari sa iyo?" tanong pa sa'kin ni Wendy.
"I-iyong b-bartender..." kandautal kong tugon saka muling tumingin sa may gawi ng lalaking naging dahilan ng ilang beses kong pag-ubo.
"Ano namang meron sa bartender? Type mo?" nakangisi pang tanong ni Wendy.
"Ang gwapo niya!" pahiyaw kong bulalas.
"Becky, huminahon ka! Kinakailangan ko pa bang ipaalala sa iyo na mayroon kang nobyo? Isa pa may kuya kang masungit na kahit kasinggwapo ng bartender na iyan ay still masungit pa rin!" salaysay ni Wendy.
"F*ck!" tugon ko.
Kinuha ko ang baso ng alak mula sa bar counter at saka nilagok ang kabuuang laman niyon.
Ramdam ko ang diretsong pagdaluyong ng init ng alak sa aking lalamunan kaya napaungol ako sa dulot na sakit niyon.
"Ano ba talagang problema? Hindi ka dati ganiyan sa mga nakarelasyon mo. May ginawa ba sa iyo ang pangit mong boyfriend?" may pag-aalalang wika ni Wendy.
"Forget it! Let's enjoy the night!" Inangat ko ang baso ng alak saka sumigaw ng ubod lakas. “Aaaaggghhhh!!!!”
Nang akmang iinumin ko na ang alak mula sa loob ng baso, naibuhos ko iyon sa'king damit.
"What the f*ck!!!" natitilihan kong hiyaw habang inaayos ang aking upo saka pilit inaalis ang inuming nagmantsa sa aking damit.
Napaungot ako dahil walang kwenta ang lahat ng effort kong makuha ang mantsa mula sa suot kong bestida. Basang-basa ang dibdib ko dahil sa natapong inuming alak at halos kitang-kita na ang kabuuan ng aking mga dibdib.
"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" malulutong kong mura.
"Relax, Becky!" sabi ni Wendy. Nakitulong na siya sa pagpunas sa’king damit pero ganoon pa rin ang resulta.
"Pumunta ka na muna kaya sa ladies restroom para patuyuin sa dryer iyang damit mo.” Tumayo siya. “Halika na at sasamahan kita!”
"Huwag na! Dumito ka lang at ako na'ng bahala sa'king sarili. Mag-enjoy ka rito!" Tama naman ang suhestiyon niyang magpunta ako ng ladies restroom kaya agad na akong tumayo at umalis.
Binaybay ko ang daan patungo sa ladies restroom at habang naglalakad panay pa rin ang punas ko sa mantsa sa damit na suot ko.
"Hi!" Humarang sa aking harapan ang bartender na kanina'y hinahangaan ko.
Pahalukipkip siyang sumandal sa may hamba ng pintuan ng ladies restroom para harangin ang pagpasok ko roon.
Ang hot niyang tingnan sa posisyon ‘yon, kaya lihim na naman akong napalunok ng sarili kong laway.
"E-excuse me?"
"Hindi ka maaaring pumasok dito." Ang husky ng kaniyang tinig at tila ba may halo iyong malalim na pananalita mula sa banyagang bansa.
"At bakit hindi ako pwedeng pumasok?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Ang kani-kaninang paghangang nadarama ko para sa kaniya ay unti-unting naglaho.
Ngumiti siya kung kaya naramdaman ko ang paglukob ng matinding init mula sa loob ng aking katawan.
Ang nagyeyelo niyang asul na mga mata ay hindi rin natinag sa pagtitig sa'kin na siyang dahilan para mamula tuloy ang magkabilaan kong pisngi.
"Pwede kitang ihatid sa kwarto kung saan ka maaaring magpalit ng damit.”
"Ano?!"
"Sure!" Nagulat ako sa biglaan pagsulpot ni Wendy. "Don't mind my friend. Kung minsan talaga'y para siyang bata."
Iniikot ko ang mga mata ko at tinapunan si Wendy nang nakakamatay na tingin. Ang buong akala ko ay nasa bar counter siya, iyon pala’y sinundan na niya ako.
"Halika kayo at sundan ako." Umayos ng tayo mula sa pintuan ang bartender at humakbang na siya papunta sa madilim na pasilyong sinundan agad ni Wendy.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Malagkit na rin talaga ang pakiramdam ko dulot ng inuming alak na natapon sa'king damit.
Isa pa'y ako ang may gusto na magpunta kami sa lugar na 'to, kaya panindigan ko!
"Uhmm... Ano'ng pangalan mo?" tanong ni Wendy sa bartender.
Marahil naiinip siya sa katahimikang bumabalot sa aming tatlo habang ang mga hakbang lang ng mga paa namin ang nag-iingay.
"Stephen Reyes," tugon ng bartender.
"Stephen Reyes." Pag-uulit ko naman sa pangalan nito.
"Huwag kang mao-offend ha. Ang gwapo mo naman pero bakit pagiging bartender ang trabahong pinili mo?" Mukhang may tama na ng alak si Wendy dahil kung anu-ano na ang itinatanong niya.
"Masama bang maging bartender?" balik tanong naman sa kaniya ni Stephen.
"Hindi naman. Kalimutan mo na lang ang tanong ko. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" hirit pa ni Wendy.
"Same question goes to you. Why are you here?" balik tanong ulit ni Stephen sa aking kaibigan habang patuloy kaming naglalakad sa may hallway na papunta sa kwartong tinutukoy nito.
Nararamdaman ko na ang lamig sa tono ng kaniyang pananalita ni Stephen kung kaya nilakihan ko ang mga hakbang ko palapit sa kanilang dalawa ni Wendy.
"Pasensiya k..." Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil natalisod ako ng paa ni Wendy na hindi ko napansin sa aking harapan.
Natagpuan ko ang sariling katawan ko na nakakulong sa loob ng mga bisig ni Stephen.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Wendy na tila sinadya yatang gawin ang pagtisod sa'kin.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin na hindi naman niya inalintana. Parang sinadya niya talagang gawin iyon dahil lumayo na siya mula sa aming dalawa ni Stephen.
"Well... we came here to get laid,” wika pa ni Wendy.
"Wendy! Are you insane?!" galit kong sabi sa kaibigan.
Bahagyang natulala si Stephen. Tila ba iniisip kung anong klaseng tao kami ni Wendy.
Ang tapang din naman ni Wendy dahil nagawa niyang sabihin iyon. Ano kaya ang nag-udyok sa kaniya para magbitiw ng ganoong klaseng pahayag sa isang estranghero.
"Ano namang naisipan ninyo para gawin iyan?" Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kamay ni Stephen sa aking baywang.
"Ahm... h'wag mo na lang pansinin iyang kaibigan ko. Sadyang mabiro lamang siya," tugon ko sa tanong na iyon.
"What if... I can fulfill your want?" Ang kaniyang kulay asul na mga mata ay tumitig sa mga mata ko kung kaya para akong nahipnotismo.
Sa unang pagkakataon ay bigla akong nakadama ng hiya. Hindi naman na ako birhen, pero parang unang beses ko tuloy makarinig ng malaswang salita.
Napansin kong may ilang minuto na rin akong nakakulong sa loob ng kaniyang mga bisig at ito ang unang beses na matagal akong madikit sa estrangherong lalaki.
"Great! So, iiwanan ko na kayong dalawa ha at hintayin ko na lamang kayo roon sa may bar counter." Matapos sabihin ni Wendy iyon ay agad na siyang tumakbo palayo sa aming dalawa ni Stephen.
"Wen..." Nauwi sa malakas na ungol ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan ng bigla na lang akong kinabig ni Stephen upang halikan sa aking labi.
Kakaibang bartender, imbes mag-mix ng alak sa may bar counter ay ako pa talaga ang pinili niyang trabahuin. ‘Di kaya siya matanggal sa trabaho? Baka pati naman ako ay ipatawag ng boss niya.
In fairness, ang tamis ng kaniyang mga labi. Matamis pa sa alak na ininom ko!