"O, Joseph, napasugod ka yata?" may pagtatakang tanong ko sa binata nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Kababata, kapitbahay, at ex-boyfriend ko si Joseph. Nilayuan ko siya nang matuklasan kong niloloko niya lang ako. Nagitla ako ng bigla niya akong kabigin at saka siilin ng halik sa aking labi. Halik na wala man lang akong makapang kahit na anong damdamin upang tugunin. "Becky..." Kinilabutan ako sa kaniyang pag-usal. Kilabot na mayroong dulot na iritasyon sa'king pakiramdam. Buong pwersa ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib sunod nang paglagapak ng kaliwang palad ko sa pisngi niya. "Ano ba'ng trip mo?!" nagtatagis ang mga bagang kong tanong sa kaniya. "Mahal kita, Becky." Sinubukan pa niyang humakbang palapit sa akin pero pinigil ko siya. Pakiramdam ko'y sumusulak ang lahat ng

