Hindi pa pormal na ipinakilala sa'kin ni Stephen ang kaniyang kapatid pero sa narinig kong itinawag niya sa babae ay tiyak na magkapatid sila. Isa pa, kuya rin ang sinambit ng babae bilang pagtugon sa kaniya. Itinakip naman sa akin ni Stephen ang kaniyang katawan saka hinatid ako sa loob ng kwartong pinanggalingan ko rin kanina. Hindi ko alam kung nakabubuting ako pa lamang ang nakahubad sa aming dalawa o mali lang talaga ang babae sa ginawa niyang pagpasok bigla. Nang makapagbihis na ako ng damit ay agad din akong lumabas ng kwarto para makiusyuso naman sa dalawang taong naroon. Nanenermong Stephen ang naabutan ko at mas malala pa siya sa Kuya Brent kung manermon. “Hindi ka pa rin dapat pumapasok ng walang pasintabi at saka bakit ka ba merong key card ng unit ko?” galit pa nitong sab

