MIA'S POV
M A T A M L A Y . . . na inayos ko ang mga activity book ni Talia para sa aming little break. Mukhang humuhupa na ang epekto ng gamot na ininom ko kanina bago ako pumasok.
"Teacher? Are you okay?" tanong ni Talia.
"Of course. Just a little tired," pagsisinungaling ko.
Sinundan ko iyon ng pilit na ngiti para kumbinsihin itong okay lang ako.
"Well, if you want to rest, I can just do my activities and you can just check them later," suhestiyon ng inosenteng bata.
Muli ko itong nginitian.
"I'll be fine after I have some coffee. Sige na, go for your break," tugon ko dito.
Mukha namang nakumbinsi ko ito dahil tumango na lang ito tsaka lumabas ng silid.
Doon ako nagpakawala ng mahabang buntong hininga tsaka dumukwang sa desk para ipatong ang mabigat kong ulo.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Macey kanina pagkadating nito galing trabaho.
So totoo ang balitang pakakasalan na ni Kuya Primo ang babaeng panaderang 'yon?!
Napadilat ako pero nanatili akong naka--- sa lamesa.
Mukhang totoo nga ang nasagap na balita ng kapatid ko dahil naulinigan ko ang ilang kasambahay kaninang pagpasok ko na nag-uusap tungkol sa magaganap na proposal daw bukas ng gabi, sa mismong Foundation Party.
Akala ko suplado at istrikto lang si Doc n'ong una, pero akalain mong may itinatagong ka-sweetan din pala at balak pang mag-surprise proposal kay Miss Janice?
Naalala kong sabi ng isa sa mga kasambahay kanina.
Muli akong napabuntong hininga.
Eh ano naman sa'yo kung magpapakasal na nga sila? Inggit ka? Inggit ka? singit ng isang bahagi ng isip ko.
Bakit ka naman maiinggit, e di ba ikaw 'tong tumanggi sa proposal ni Primo noon? Tatanggi-tanggi ka tapos ngayon magseselos ka dahil may iba na siya??? Patuloy na pangagastigo ng bahaging iyon ng isip ko..
Bumangon ako at minabuti kong kumuha na lang ng kape sa kusina. Baka sakaling magising ako sa masamang panaginip na 'to.
Walang kabuhay-buhay na bumababa ako sa hagdan.
Nasa may labas pa lang ako ng kusina ay narinig ko na ang boses ni Primo na parang may kausap. Kaya huminto ako at nagkubli sa may dingding.
"Make sure everything goes according to plan okay? There should be no room for mistake," narinig kong sabi nito.
Hindi ko namang gustong makinig sa usapan nila ng kung sino man ang kausap nito. Huminto lang ako dahil nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa kusina at aaktong balewala lang lahat sa akin o aantayin ko na lang na makaalis ito tsaka ako papasok sa kusina.
Weh? Mamateeey? Hindi ka curious kung paano magpo-propose ang ex mo sa bago niya???? Singit ng mahaderang isang bahagi ng isip ko.
"No. Absolutely not. Hindi siya dapat magkaroon ng kahit katiting na hinala kung bakit siya nandoon mamaya," narinig kong sabi ulit ni Primo.
Wala akong narinig na ibang boses mula sa loob kaya hula ko ay sa telepono ito may kausap.
"Kaya mo na 'yan! Just make sure she's there on---"
Kapwa kami nagulat nang bigla itong lumabas mula sa kusina at naabutan ako nitong nakatayo at nagtatago sa labas niyon.
"I'll call you back," mabilis nitong sabi sa kausap sa telepono tsaka iyon binaba.
"Mia? K-Kanina ka pa ba d'yan?" tila kabado nitong tanong.
"A-Ahm, h-hindi, kadarating-dating ko lang. M-Magtitimpla sana ako ng kape," pagkakaila ko.
Mukhang duda ito sa akin pero gayun man ay tumango-tango din ito sa huli.
"I-I'm sure you've heard about... t-the ball tonight?" alangan nitong tanong.
Bigla akong kinabahan at napakapit sa laylayan ng blouse ko. Don't tell gusto ako nitong imbitahin pa't saksihan ang surprise proposal niya sa babaeng kabuteng 'yon???
Dahil tila umurong ang dila ko ay tumango lang ako bilang sagot.
"I-I was wondering if..."
If? If ano??? Bakit kailangan pa-suspense??? atat kong sigaw sa isipan ko.
"If you can dismiss Talia earlier today? She needs to get ready and stuff," pagpapatuloy nito.
Lihim akong napabuntong hininga. Akala ko naman kung ano na!
"A-Ah... s-sige, sure," tugon ko at sinundan iyon ng pilit na ngiti.
"Thanks," tipid nitong sagot tsaka tinalikuran na ako.
Pero hindi pa ito nakakatatlong hakbang ay bigla ulit itong pumihit at nagsalita.
"A-Ahm Mia?" may pag aalangan nitong tawag sa akin.
"Hm?"
Hindi ito agad nagsalita. Kilala ko si Primo at kilala ko ang mukha nitong iyon. Alam kong may gusto itong sabihin kaya hinintay ko kung ano iyon.
"Uhm.... w-wala, nevermind," sa wakas ay sabi nito tsaka muli na akong tinalikuran at sa pagkakataong ito ay mabilis nang iniwanan ako.
Wala naman akong nagawa kung di ang ihatid ito ng tingin hanggang lumiko na ito at tuluyang mawala sa paningin ko.
Laglag ang balikat na pumasok ako sa kusina para ituloy ang balak kong pagtitimpla ng kape.
At ano naman ang ine-expect mo Maria Isabella? Na iiwanan niya ang babaeng kabute na 'yon at aalukin ka ulit ng kasal? Tanong ng isang bahagi ng isip ko habang wala sa loob na hinahalo-halo ko ang kapeng itinimpla ko.
Of course not! Matagal ko nang tanggap na may iba na si Primo at na nakapagmove on na siya! Sagot naman ng kabilang bahagi na parang may dalawa akong pagkatao na nagtatalo sa loob ko.
Marahas na ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang mga walang kwentang isipin doon bago pa ako tuluyang mawala sa katinuan.
Nagbuga ako ng hangin at pilit na inayos ang sarili, tsaka ko binitbit ang tasa ng kape at muling bumalik sa itaas sa study room ni Talia.
Dahil nga sa hiling ni Primo na i-dismiss ko ng maaga si Talia ay minabuti kong bigyan na lang ito ng homework at tapusin na ang klase namin. Tutal pabor din naman sa'kin dahil talagang sumasama pa lalo ang pakiramdam ko.
"I'll check your activities on Monday and have fun at the party," pilit kong ipinag-gigiliw ang boses at ekspresyon ko kahit na sa totoo ay para na akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa dibdib at sinabayan pa ng tila martilyong pinupukpok sa ulo ko sa sobrang sakit niyon.
"Thank you, Teacher. See you on Monday!" sagot naman ng bibo kong estudyante tsaka mabilis itong lumabas ng silid kaya naiwan ako sa loob.
"Byeee. Sa Monday may bago ka nang mommy," mahina kong sagot dahil alam kong mag isa na lang naman na ako doon.
"Haaay, Mia, itulog mo na lang 'yan. Bukas, tapos na lahat. Move on na tayo," dagdag ko sa mahina pa ring boses bago tuluyang tumayo para umuwi na.
Dahil abala ang lahat sa Foundation Ball na 'yan ay halos wala akong nakitang tao habang papalabas ako ng mansyon.
Nagpaalam lang ako sa security nang lumabas ako ng gate tsaka tamad na naglakad pauwi.
Malayo pa lang ay napansin ko na ang dalawang kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin.
Napakunot ako ng noo. Kilala ko ang isang sasakyan, kay Travis 'yon. Malamang ay para na naman kay Macey. Hanggang ngayon ay pala-isipan sa akin kung ano ang mayroon ang dalawang iyon.
Pero hindi ako pamilyar doon sa isang kotse. Minabuti kong bilisan ang lakad para agad na makarating sa bahay.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto ay agad kong nakita si Travis na nakaupo sa sala. Katabi nito ang malamang na siyang may ari ng isa pang kotse sa labas.
"Nick?" sambit ko sa ngalan ng katabi ni Travis.
Panabay na tumayo ang dalawang lalaki nang makita ako.
"Mia," nakangiting bati ni Nick.
"Anong meron?" taka kong tanong sabay tinapunan ng tingin si Macey na sambukol ang mukhang nakaupo sa kabilang panig ng sala.
"Sorry for the late and rush notice but...would you be my date for the Foundation Ball tonight?" diretsong tanong ng bestfriend ni Primo.