CHAPTER 55

1284 Words

G A B I . . . na nang bumaba ako ng bus. Sinalubong ako ng makislap at makukulay na ilaw, pati ng mga banderitas na nakasabit sa kalsada. Paroo't parito ang mga tao na puno ng galak sa kani-kanilang mga mukha. Luminga-linga ako dahil hindi ako pamilyar sa lugar. Basta ang alam ko, fiesta roon kaya gan'on kaabala ang kalsada. Nagpasya akong lumapit sa isang tindahan. "Magandang gabi ho," bati ko sa babaeng bantay. "Anong iyo ineng?" tanong naman nito. "Ma-walang galang na ho, pero kilala n'yo po ba ang mga Dimaano?" nahihiya kong tanong. Alam kong mas madali kung tatawagan ko na lang si Clang, pero ayokong buksan ang cellphone ko dahil tiyak puputaktihin ako ng text at tawag. Sa panahong ito, malamang ay alam na rin nina Papa na umalis ako't hindi umuwi. "Sinong Dimaano ba? Marami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD