N A P A T U P T O P . . . ako ng bibig dahil nabuwal ito at napaupo sa buhanginan dahil sa lakas ng impact. "Travis!" bulalas ko tsaka mabilis na dinulugan ito. Lukot ang mukha nitong napasapo sa tinamaang noo. "Okay ka lang?" tanong ko. Halatang nasaktan talaga ito pero nagawa naman nitong tumango atsaka dahan-dahang bumangon. Inalalayan ko itong makatayo. Mukhang okay naman ito. Siguro ay na-out balance lang sa gulat. Maya maya ay narinig namin ang malakas na pagtawa ni Nicholo na patakbong lumalapit sa amin. "The fvck, Nicholo?!" angil ni Travis kay Nick. "What? Pasalamat ka nga ako lang 'to. Kung si Primo ang nakakitang pinopormahan mo na naman ang misis niya, baka pinaglalamayan ka na ngayon!" natatawang sagot naman ng kumag na Nicholo. Napansin ko mabilis na paglipad ng tin

