N A P U N O . . . ng tawanan at kulitan ang kabahayan namin. Magmula kaninang umaga hanggang mag-gabi ay hindi natapos ang mga tawanan at asaran. Kita ko din ang labis na galak sa mukha ni Papa habang pinapanood niya kaming lahat. Napagkatuwaan ng lahat na tuksuhin sina Nicholo at Clang sa isa't isa. Game na game si Clang samantalang hindi naman itinago ni Nick ang disgusto nito. Nasa gitna ng asaran ng mapansin kong ubos na ang yelo sa ice bucket kaya minabuti kong i-refill iyon. Dinampot ko ang metal bucket at dinala iyon sa kusina. Kahit mag-isa na ako sa kusina ay hindi mawala-wala ang ngiti ko dahil wala talaga akong mapagsidlang ng saya sa mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Sino ba naman ang mag-aakalang sa hinaba-haba ng prusisyon ay heto't madudugtungan na na

