M A T A A S . . . na ang araw nang magising ako. Agad kong kinapa ang tabi ko pero wala akong naramdaman. Napagtanto kong mag-isa lang ako sa kwarto at nakadamit na rin ako ng silk nighties. Napapikit ako nang subukan kong bumangon at naramdaman ko ang pananakit ng buo kong katawan, lalo na ang nasa pagitan ng hita ko. Naalala ko agad ang mga nangyari kagabi. Nakatulog nga pala ako pagkatapos ng tatlong sunod-sunod na rounds ng pagtutuos namin ni Primo. Dahan-dahan kong pinilit na bumangon dahil nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan at pagkalam ng sikmura. Kagabi pa nga pala ako hindi kumakain dahil akala ko, kainan ang pupuntahan naming party kaya hindi ako naghapunan. Mabagal ang naging paggalaw ko hanggang sa makalabas ako ng kwarto. Grabe, pakiramdam ko ay magang-maga ang perl

