N A P A B A L I K W A S . . .ako ng bangon nang maliwanag na nang magdilat ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at napagtanto kong mag-isa na lang akong natutulog doon. Hala! gimbal kong sabi sa isip habang nagmamadaling hinahanap ang tsinelas ko. Lagot ako kay Papa nito! dagdag ko pa. Kainis! Balak ko talaga ay patulugin lang si Talia tapos ay uuwi na ako. Bakit naman kasi ang lambot ng kama ng kapre? Napasarap tuloy ako ng tulog! Nagmamadali akong pumasok sa en suite bathroom sa kwarto ni Primo para kahit paano ay ayusin ang sarili ko. "Bwiset na kapreng 'yon, di man lang ako ginising!" inis na sabi ko habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang buhok ko. Pagkatapos ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto at maingat na naglakad sa hallway hanggang sa makababa ng hagdan. Para uli

