"M I A . . ." Naalimpungatan ako sa mahinang pagtawag sa'kin na iyon. Si Clang ang nakita ko pagdilat ko. Nakatulog pala ako. Napakunot ako ng noo nang mapagtanto kong nasa kwarto na ako't nakahiga sa kama. Sa pagkakatanda ko, nanonood ako ng tv sa sala kanina pagkatapos kong kumain. Paano ako napunta sa kwarto? Nagkukusot ng mata akong naupo. "Hmm, nakatulog pala ako. Anong oras na?" namamaos ko pang tanong. "Mag-a-ala una na ng madaling araw," halos pabulong nitong sagot. Iginala ko ang paningin ko. Nakita ko ang mga litrato ni Clang pati ang graduation picture naming dalawa. Hula ko ay kwarto nito iyon. "Sa'yong kwarto 'to?" Tumango naman ito. "Paano ako napunta dito?" tanong ko ulit. "Eh hindi na sana kita gigisingin...k-kaya lang..." alangan nitong sabi. Napakunot ulit

