Umuusok pa ang dulo ng baril nito.Masamang masama ang tingin sa babae na ngayon ay wala ng buhay na nakabulagta sa malamig na sahig. Sapol sa puso ang unang bala,habang sa noo nman ang pangalawa. "Ano pang tinayo tayo mo dyan?help us here!" angil nina Shawn at Dark kasalukuyan nang nasa tabi ni Elisa. "Salamat hijo." bukal sa pusong sabi ng daddy ni Elisa sa akin. Agad nman akong naguluhan sa kung saan siya nagpapasalamat sa akin.Pagkatapos namin kumain inaya ako ni Doc Victorino dito sa veranda.Nais raw niya akong makausap ng masinsinan. Tumawa ito ng mapuna ang kaguluhan sa akin mukha.Bahagya niyang tinapik ang aking balikat. "Nagpapasalamat ako dahil hindi mo sinukuan ang aking anak.Kahit nung inaakala namin na talagang wala na siya hindi ka pa rin huminto sa paghahanap sa kaniya.

