Chapter 5 Ang Diary ni Almira

1152 Words
“Mag-ingat ka sa mga dinadala mo next time, Nurse,” bulong ni Drew, halos pabulong pero sapat para marinig ni Almira. Natigilan siya. Dahan-dahan siyang napatingin kay Drew, nakangisi ito, parang may alam na lihim. “Excuse me?” taas-kilay niyang tanong. “Nothing.” Kumindat pa ito. “Just… don’t drop anything important.” Hindi niya lubos maintindihan ang ibig sabihin ng binata, pero halata sa tono nito na may double meaning. “Sige na, on duty na ako,” paalam ni Almira, sabay iwas. Mabilis niyang tinalikuran si Drew, nagmamadaling lumakad palayo. “See you later!” pahabol na sabi ni Drew. “Paglabas mo, susunduin kita.” Pinagmasdan niya ang papalayong dalaga. Ang lakas talaga ng dating ni Almira, naisip niya. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight. Naiintriga lang siguro ako sa kanya. Defensive, saway pa niya sa sarili, napangiti pa. Samantala, halos mapailing si Almira habang naglalakad. Istorbo talaga ‘yung Drew na ‘yon! ‘Yung diary ko, kailan ko kaya makikita ulit? Hindi kaya siya ang nakakuha? Napahinto siya sandali, napangiwi. Tanungin ko kaya... pero nakakahiya. Ang tanda ko na may diary pa ako. At mukhang ang lakas pa naman mang-asar ng mokong na ‘yon! Ngayon pa lang pala tatambay si Drew. Kanina pa pala siya nag-aabang ng tiyempo para makita si Almira, pero ngayong nandoon na ito sa nurse station, ayaw na niyang umalis. Nakaupo siya sa waiting area, kunwari’y nagche-check ng phone, pero paminsan-minsan ay sumisilip sa direksyon ng station. Hindi naman nakakalusot sa mga mata ni Ann, Martin, at Sheila ang mga palihim na tingin niya. “Grabe, Ann, hindi ‘yan visitor ni Caleb,” bulong ni Sheila, sabay tawa. “Obvious! Visitor ni Almira ‘yan,” sagot ni Martin, ngiting pilyo. Si Almira naman, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili habang nag-aasikaso ng mga chart. Pero sa bawat tawanan ng mga kasama niya, mas lalo siyang naiirita. Nakakainis ‘tong mga ‘to. Parang teleserye, bulong niya sa isip. Paglingon niya, nagulat siya, naroon na si Drew sa may counter, nakasandal, may hawak na paper cup ng kape. “Hi, Nurse Almira,” bati nito, tila walang pakialam sa mga nakatingin. “Bawal bang magtambay dito? Promise, behaved ako.” Napasinghap siya, saka napailing. “Behaved? Sure ka? Kanina ka pa pinagtitinginan dito.” “Eh, kasalanan mo ‘yon. Ang hirap hindi mapatingin sa’yo,” sagot ni Drew, diretsong tingin. Natahimik ang paligid sandali. Napatingin si Almira sa kanya, saka mabilis na umiwas. Naku, Almira, wag kang magpapaapekto, saway niya sa sarili. “Kung may kailangan ka kay Caleb, dun ka na lang sa room niya." “Mamaya pa ‘yon. For now, dito muna ako. Para siguradong safe ‘yung mga dinadala mo,” sabay kindat. Napakunot ang noo ni Almira. ‘Yung hirit na ‘yon, diary ko yata ang tinutukoy niya! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to, pero kahit inis siya, hindi niya mapigilang mapangiti nang lihim. Natapos na rin ang shift ni Almira bandang alas-diyes ng gabi. Pagod na pagod siya, pero ang mas mabigat ay ang inis na pilit niyang nilulunok buong araw, dahil sa isang taong ayaw talagang umalis sa paligid. Paglabas niya ng nurse station, agad niyang nakita si Drew sa lobby, nakaupo pa rin sa parehong pwesto, nakasandal, at tila kampanteng naghihintay. “Seriously?” mahinang usal ni Almira habang naglalakad palapit. “Kanina ka pa diyan?” “Siyempre. Sinabi ko sa’yo, susunduin kita, ‘di ba?” sagot ni Drew, sabay tayo at ngiti. “Hindi naman ako ‘yung tipong umaatras sa sinabi ko.” “Pwede namang hindi mo ituloy ‘yung sinabi mo,” iritadong balik ni Almira, pero halata sa tono ang pagod at bahagyang pangiti. “Hindi pwede. Promise is promise,” sagot ni Drew. “At isa pa, baka madapa ka pa pauwi — ako na lang ang bantay mo.” Napailing siya, pero hindi na sumagot. Lalo na nang bigla nitong kunin ang bag niya at sabihing, “Ako na magdadala nito. Baka mahulog ulit, ‘yung mga ‘importanteng bagay.’” “Drew! Ibalik mo ‘yan!” sigaw niya, pero natawa lang si Drew habang naglalakad palabas ng building. Wala siyang nagawa kundi habulin ito. “Hindi ka talaga mapakali, ano?” sabi ni Almira habang tumatawid sila sa labas. “Hindi kapag ikaw ang kasama ko,” sagot ni Drew, sabay kindat. Sandaling natahimik si Almira. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pero sa loob-loob niya, may kung anong kakaibang kilig na biglang dumaan. Anong ginagawa ng lalaking ‘to sa sistema ko? tanong niya sa sarili, pilit pinipigilan ang ngiti. Tahimik silang naglalakad palabas ng ospital. Gabi na, kaya malamig ang hangin. Ang mga poste lang ang nagbibigay-liwanag sa daan. Si Drew, bitbit pa rin ang bag ni Almira kahit ilang ulit na itong sinabihan na ibalik. “Drew, kaya ko naman ‘yan. Hindi ako helpless,” sabi ni Almira, sabay abot ng bag. “Alam ko. Pero gusto ko lang tulungan ka. Nurse ka buong araw, sigurado pagod na pagod ka na,” sagot ni Drew, nakayuko nang kaunti at bahagyang tinatakpan ang mukha ng cap at face mask. Napansin iyon ni Almira. “Bakit ba kailangan mong magtago? Parang kriminal ka kung makapaglakad,” biro niya. Napakamot ng batok si Drew. “Hindi naman. Sanay lang. Alam mo naman siguro kung gaano kadaldal ang mga tao ‘pag may nakakita sa akin.” Doon lang niya naalala, si Drew Morales, kilalang artista. Hindi lang basta artista, isa sa mga laging laman ng social media. At nandito siya, nag-aabang sa akin buong gabi? “Grabe ka, Drew. Hindi ka ba natatakot may makakita sa’yo rito?” tanong ni Almira, bahagyang kabado. “Kaya nga may mask at cap ako. At saka… para sa’yo lang naman ako nandito,” sagot nito, bahagyang nakangiti sa ilalim ng mask. Hindi alam ni Almira kung matatawa ba siya o kikiligin. “Ang lakas mo talaga mang-asar,” sabi niya, umiiling. “Hindi ako nang-aasar, Nurse. Totoo lang ‘yon,” sagot ni Drew, seryoso na ang tono. “Alam kong bawal sa’kin ‘yung ganitong klaseng exposure… pero mas bawal yata ‘yung mawala ka sa paningin ko ngayong gabi.” Natigilan si Almira. Hindi niya alam kung paano sasagot. Anong sinasabi ng lalaking ‘to? Pero sa kabila ng inis at pagod, may kung anong init sa dibdib niya. “Fine,” sagot niya sa huli, umiwas ng tingin. “Pero kapag may nakakita sa’yo, problema mo ‘yan. Hindi ko kasalanan ‘pag bukas, trending ka na.” “Worth it naman siguro,” sagot ni Drew, sabay kindat mula sa likod ng mask. Habang papalayo sila, naramdaman ni Almira ang bahagyang kaba, hindi dahil sa mga tao, kundi dahil sa taong kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD