Pagkatapos niyang maghanda ng noodles, bumalik si Almira sa sala dala ang tray. Maingat niyang inilapag iyon sa center table bago marahang ginising si Drew. “Drew… gising ka muna. Kain ka kahit kaunti,” malambing ngunit may halong utos niyang sabi. Umungol lang ito at dumilat nang bahagya. “Ayoko kumain…” mahina at pa-awa nitong tugon. “Hindi puwede,” sagot niya, sabay upo sa tabi nito. “Uminom ka ng gamot kanina, baka sumakit tiyan mo kung walang laman.” Napapikit si Drew, saka nagkunwaring iiling-iling. “Okay… pero…” Tumingin ito kay Almira at ngumiti ng pilyo. “Subuan mo ako.” Napataas ang kilay ni Almira. “Ha? Drew, kaya mo namang kumain, ‘di ba?” “Hindi ko kaya. Nahihilo pa ako,” sagot nito, sabay mahina ang boses, parang bata. “Please, Nurse Almira?” Napabuntong-hininga na l

