Almira POV Pagkatapos ng duty ko, halos gusto ko nang matulog sa hospital bench sa sobrang pagod. Pero nang lumabas ako, nakita ko agad ang pamilyar na sasakyan ni Drew sa may parking area. Naka-sandal siya sa pinto ng kotse, suot ang simpleng white shirt at cap. Napabuntong-hininga ako. Eto na naman siya. Paglapit ko, ngumiti siya. “Perfect timing. Akala ko mag-o-overtime ka na naman.” “Drew, sabi ko diba, huwag mo na akong sinusundo? Maraming nakakakita sa’yo rito.” sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kotse. “Eh ano naman? Legal naman tayo, ‘di ba?” malambing na sagot niya, sabay ngiti na parang wala lang sa kanya ang lahat. “Legal sa papel, hindi sa totoo,” balik ko, pero hindi ko maiwasang mapangiti nang lihim. Habang umaandar ang kotse, tahimik lang kami pareho. Si Drew, may

