Paglabas nila sa ospital, diretso agad sila sa sasakyan ni Drew. “Please, hindi ako puwedeng magtagal,” sabi ni Almira, halatang nagmamadali. Tahimik lang si Drew, nakatingin sa kanya. “Uy,” hinawakan ni Almira ang braso nito. “Naririnig mo ba ako?” Naiinis na talaga siya. Lumingon si Drew at inilapit ang mukha sa kanya. Napasinghap si Almira. Ang bango ng hininga nito, amoy baby powder. Bigla siyang nailing at tinulak ito nang bahagya. Grabe naman ‘to, naisip niya. Ako, amoy antiseptic pa. Siya, parang bagong ligo sa commercial. Napalunok na lang siya ng laway. “Promise, saglit lang tayo,” nakangiting sabi ni Drew. Pero habang binabagtas nila ang daan, napansin ni Almira na palayo na sila sa ospital. Ano ba naman ‘tong lalaki na ‘to? Simula nang dumating siya sa buhay ko, ang gul

