Almira’s POV
Natigilan ako nang may isang nurse na lumapit.
“Almira, request ka raw sa private room. VIP patient,” sabi niya.
Nagulat ako. VIP? Sino kaya ‘yun?
Pagtingin ko sa chart, napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan, Sofia Salazar, ang mommy ni Calix.
Si Tita Sofia? Bakit kaya siya na-confine? May nangyari kaya?
Ramdam ko ang pag-aalala habang papunta ako sa kwarto.
Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng maganda at pamilyar na ngiti.
“Ikaw talaga ang request kong nurse,” sabi ni Tita Sofia, sabay tawa. “Para sumigla naman ako.”
Ngumiti rin ako, sinubukan kong maging kalmado. “Kamusta po ang pakiramdam niyo, Tita?”
Habang kinukuhaan ko siya ng BP, napansin ko sa chart — hypertension attack. Tumaas daw ang blood pressure niya kasabay ng matinding sakit ng ulo.
“Okay naman, Almira,” sabi niya, medyo pagod ang tono. “Napagod lang siguro ako nitong nakaraang linggo… puro kasi problema.”
“Ganun po ba?” sagot ko, pilit na maaliwalas ang boses. “Naku, ‘wag niyo pong masyadong isipin ‘yan. Bawal ang stress sa maganda.”
Ngumiti si Tita. Halatang kinilig sa sinabi niya.
“Si Calix po, nasaan na kaya?” tanong ko, kaswal lang ang tono kahit may kumislot sa dibdib ko.
Sakto, biglang bumukas ang pinto.
Pumasok si Calix—kasama si Belle.
Parang biglang sumikip ang kuwarto.
Napahinto ako.
‘Yung tipong isang tingin lang sa kanila, parang pinipiga ‘yung puso mo. Pero syempre, magaling ako magtago.
Kaya ngumiti ako, maayos, kalmado. “Oh, musta?” bati ko, kunwari normal lang.
Ngumiti si Belle, magalang at totoo. “Okay naman, busy, parang ikaw din. Ikaw, kamusta?”
“Hay naku, ganun pa rin—busy,” sagot ko, sabay ngiti. “Uy, Calix, ha, ‘wag mong pabayaan si Tita, okay?”
Ngumiti si Calix. “Of course,” sabi niya, sabay tingin sa akin sandali—‘yung tinging mabilis lamang.
“O siya, maiiwan ko muna kayo. Marami pa akong aasikasuhin,” sabi ko, pilit pa ring magaan ang tono. “Tita, babalikan ko po kayo mamaya, ha.”
Lumabas ako ng kuwarto, dala ‘yung ngiti na pang-professional lang.
Pero pagkapasok ko sa hallway, napalunok ako.
Almira, kaya mo ‘to. Duty lang ‘yan. Huwag mong haluan ng feelings.
Almira’s POV
Pagkalabas ko ng kwarto ni Tita Sofia, diretso ako sa CR.
Wala na akong pakialam kung may ibang tao—kailangan ko lang ng sandali para huminga.
Pagpasok ko sa cubicle, doon ko lang pinakawalan ‘yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tahimik lang, ‘yung iyak na halos walang tunog pero ang bigat sa dibdib.
Masakit pala talaga, bulong ko sa sarili.
Masakit palang makita nang harapan ang taong minsan mong minahal... kasama na ang babaeng mahal nito.
Pangalawang beses ko pa lang nakita si Belle. Pero sapat na ‘yung una para hindi ko siya makalimutan.
Biglang nag-flash sa isip ko kung paano nagsimula ang lahat—
Noon ‘yun, niyaya ako ni Calix na kumain sa labas.
Masaya kaming nagkukuwentuhan, tawanan, parang walang problema.
Dinala ko siya sa isang maliit na restaurant na puro Pinoy delicacies.
‘Yung tipong lutong-bahay, simpleng lugar pero komportable.
Grabe, ang close namin noon.
Simula pa nung inalagaan ko siya sa ospital matapos siyang mabaril...
Hindi ko makakalimutan ‘yung araw na ‘yon.
Muntik na akong mamatay dahil sa gulo sa pulitika—si Kuya Aiden ang kaaway ng nakabaril kay Calix.
Pero si Calix, tumakbo para sa’kin.
Siya ang tinamaan ng bala na dapat ay para sa akin.
Doon nagsimula lahat.
Ang pag-aalaga, ang pagiging malapit, ang mga tingin na akala ko may ibig sabihin.
Hanggang sa lumalim na nang lumalim ‘yung nararamdaman ko, kahit alam kong wala naman kaming label.
Palabas na kami noon ng restaurant nang makita niya si Belle.
Nakaupo ito, may hawak na cellphone.
At doon ko siya nakita—‘yung tingin ni Calix sa kanya.
‘Yung tingin na hindi ko pa kailanman nakuha.
Doon ako natauhan.
Hinayaan kong mahulog ako sa kanya kahit wala namang kasiguraduhan.
Hindi siya naging akin—ni minsan.
At kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na okay lang...
Ngayon, habang nakikita kong magkasama sila,
parang lahat ng sugat na matagal ko nang tinakpan,
unti-unti na namang bumubuka.
Bakit kailangan kong maalala lahat ng ‘yon ngayon?
Almira’s POV
Nagpunas ako ng luha gamit ang tissue.
Huminga nang malalim.
Tama na, Almira. Duty ka, hindi drama.
Ayokong makita ng iba na namumugto ang mata ko. Kaya bago ako lumabas ng cubicle, sinilip ko muna ang salamin. Medyo namumula pa rin, pero ayos na. Puwede nang sabihing pagod lang.
Paglabas ko ng CR, halos sumabay naman sa paglabas ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang hallway.
At doon ko siya nakita—si Calix.
Nakayuko siya habang may kausap sa cellphone, pero agad niya akong napansin nang magtama ang paningin namin.
Parang tumigil ‘yung paligid.
Walang ibang tao, o siguro wala lang akong marinig dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Almira…” mahina niyang tawag, sabay baba ng phone.
Napakurap ako, pilit ngumingiti. “Oh, Calix. Kumusta si Tita?”
“Mas okay na siya, thank God.” Saglit siyang tumingin sa sahig bago muling bumalik sa akin ang mga mata niya. “Ikaw… okay ka lang?”
Tumawa ako nang mahina, ‘yung halatang pilit pero maayos pa rin pakinggan. “Of course. Sanay na akong pagod, alam mo ‘yan.”
Tumango siya, pero hindi agad nagsalita. Para bang may gusto pa siyang sabihin.
Hanggang sa lumapit siya ng bahagya, nasa pagitan namin ang malamig na hangin ng hallway.
“Salamat pala,” sabi niya sa wakas. "Sa pag-aasikaso kay Mom.”
Ngumiti ako, mahina. “Trabaho ko ‘yun. At si Tita… special ‘yun sa akin.”
“Still,” bulong niya, halos pabulong lang pero sapat para marinig ko, “ikaw pa rin ‘yung pinakanagpapagaan sa loob ng ospital.”
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
At ayokong tanungin, kasi baka ‘pag tinuloy ko pa, hindi ko na kayanin.
Kaya ngumiti na lang ako. “Alis na ako, baka hanapin ako sa station.”
Pagdaan ko sa tabi niya, naramdaman kong parang may gusto pa siyang sabihin. Pero pareho kaming tahimik.
At sa bawat hakbang ko palayo, pakiramdam ko ay bumibigat ang hangin sa pagitan naming dalawa—
mga salitang hindi nasabi,
Ang damdaming kong pilit itinago,
at mga alaala na kahit anong pilit kong kalimutan,
nando’n pa rin… tahimik pero buhay.