Habang magkausap sina Aiden at Almira, biglang nag-ingay ulit ang hallway. May mga pasyente at staff na nagtitipon sa gilid, parang may paparating na artista.
“Si Drew Morales yata ‘yan,” bulong ng isang nurse na napadaan.
Napatingin si Aiden sa direksyon ng pintuan, at doon niya nakita ang kilalang aktor, naka-sunglasses, may suot na simpleng puting polo at faded jeans. Kahit casual lang, halatang sanay ito sa mga mata ng tao.
“Governor Cruzano, good afternoon po,” magalang na bati ni Drew nang mapansin siya. Inalis nito ang sunglasses at ngumiti, isang ngiting kayang magpahinto ng mga nurse na dumaraan.
“Morales,” ganting bati ni Aiden, may bahid ng kumpiyansa sa tono. “Hindi ko akalain dito rin kita makikita. May dalaw ka?”
Tumango si Drew. “Kaibigan ko po, may minor accident lang. Ikaw po, Governor?”
“Dadalawin ko lang kapatid ko—si Nurse Almira.”
Napatingin si Drew kay Almira, at agad lumambot ang ekspresyon niya. “Ah, si Nurse Almira pala. Kayo ‘yung tumulong sa kaibigan ko kanina sa ER.”
Ngumiti si Almira, magalang pero walang espesyal na reaksiyon. “Ginawa ko lang po ang trabaho ko, Mr. Morales.”
“Drew na lang,” mabilis na sagot ng aktor, bahagyang nakangiti. “At salamat ulit, ha? Hindi ko makakalimutan ‘yung tinulungan mo siya.”
Tumango lang si Almira, nanatiling kalmado at propesyonal. “Walang anuman. Siguraduhin n’yo lang pong makakapagpahinga siya nang maayos.”
Tahimik lang si Aiden habang pinagmamasdan ang dalawa. Napansin niyang parang walang epekto kay Almira ang presensya ng celebrity actor, ni hindi ito nagpa-fluster o ngumiti nang matamis gaya ng ibang babae sa paligid.
Samantalang si Drew, bahagyang natigilan. May kakaiba siyang napansin—isang kislap sa mga mata ni Almira na hindi niya alam kung imahinasyon lang ba o sadyang totoo. Iba ang ganda nito, hindi ‘yung tipong naghahabol ng pansin, pero nakakaakit sa simpleng paraan.
“Ah, sige,” basag ni Aiden sa tensyon. “Mukhang busy pa si Nurse Almira, baka istorbo na kami.”
Ngumiti si Drew. “Governor. Baka nga magkita pa tayo ulit. Small world.”
Pag-alis ni Drew, napansin ni Noel ang kunot sa noo ni Aiden. “Boss, parang hindi ka natutuwa?”
“Wala. Napansin ko lang… iba ‘yung ngiti ni Drew kanina,” malamig pero biro ang tono niya. “Magaling ‘yung aktor, marunong mang-akit.”
Napailing si Noel, natatawa. “Seloso ka yata, boss.”
Ngumiti lang si Aiden, pero sa loob-loob niya, may hindi maipaliwanag na kutob na nagsisimula.
Pagbalik ni Drew sa kotse, bitbit niya ang jacket ng kaibigan niyang na-confine. Habang inaayos niya ito sa likod ng sasakyan, may nalaglag na maliit na notebook—kulay maroon, may nakasulat sa gilid: A.C. – Private.
Napakunot-noo siya. “Kanino kaya ‘to?” binuklat niya nang dahan-dahan, at agad niyang nakita ang maayos na sulat-kamay ni Almira. Mga entry mula pa noong high school, mga simpleng kwento, pangarap, at ilang pahinang puno ng tula at emosyon.
Habang binabasa niya, napahinto si Drew sa isang bahagi.
"Masakit pala magmahal sa maling tao. Calix—ang lalaking hindi naging akin. Pero kahit ganun, masaya akong nakilala ko siya. Baka hanggang dito na lang."
Napataas ang kilay ni Drew. Calix? Kilala niya iyon—ang CEO ng Salazar Holdings, kasalukuyang laman ng business news kasama ang girlfriend nitong si Belle.
“Small world nga talaga,” bulong niya, sabay iling. “In love pala siya noon sa sikat na CEO. Grabe, ang tahimik na nurse, may matinding kwento pala.”
Binalik niya ang tingin sa mga pahina, hanggang sa mabasa niya ang isang parte na ikinatawa niya nang malakas.
"Nakakainis ‘yung mga babaerong artista sa TV. Lalo na si Drew Morales, pa-cute, laging may bagong babae. Hindi ko maintindihan bakit kinahuhumalingan ng iba."
Napahagalpak si Drew. “Grabe naman ‘tong si Nurse Almira, ako pa talaga ang inis na inis siya!”
Natawa siya habang pinagmamasdan ang sulat. “So, galit ka sa’kin, ha? Akala mo lang ‘yun. Pero ngayon, ako na ang naaaliw sa’yo.”
Pinikit niya sandali ang mga mata, hawak-hawak pa rin ang diary.
“Very interesting ka, Almira Cruzano,” mahina niyang sabi, sabay ngiti. “At ngayon, gusto kong makilala ka pa.”
Umuwi lang si Drew para makaidlip sandali at makapag-freshen up na rin. Habang naghuhugas ng mukha, naisip niya ang kaibigan niyang si Caleb na naaksidente sa motor. Buti na lang okay na siya, sabi niya sa sarili, medyo nakahinga rin ng maluwag.
Pero bago pa tuluyang makapagpahinga, bigla niyang naisip si Almira. Naku, ayan na naman. May babae na namang nakakuha ng atensyon ko, natatawang bulong niya. Ilang araw ko lang kaya liligawan ‘yon? Baka nga wala pang dalawang araw, kami na agad. Pero ayoko pa naman ng commitment, hassle ‘yon.
Ngumisi siya habang nagbibiro sa isip. Kung uumpisahan ko na siya, lalapitan ko agad tapos sasabihin ko na lang na gusto ko siya. Si Calix nga pala, gusto niya. Mahilig pala talaga siya sa mga guwapong lalaki tulad ko. Sige, pagbibigyan ko siya, hehehe.
Nabasa ko pa nga sa diary niya na ayaw daw niya sa akin—aba, baka kapag niligawan ko siya, maglulundag ‘yon sa tuwa. Wala pa namang babae ang bumasted sa akin, proud na sabi ni Drew Morales, twenty-eight years old, ang sikat na matinee idol.
Habang paakyat na siya sa hagdan, bigla siyang napahinto nang marinig ang mga ungol mula sa kabilang kuwarto. “What the hell?” iritadong bulong niya. “May babae na naman dinala ang kapatid kong si Enzo Nathaniel Morales. Isa pa ‘tong babaero.” Napailing na lang siya, sabay buntong-hininga. Hay naku, magkadugo nga kami parehong babaero, parang mana-mana lang.
Habang nakahiga na sa kama si Drew, hindi siya mapakali. Paulit-ulit pumapasok sa isip niya ang tungkol sa diary ni Almira. Hindi naman talaga siya mahilig mangialam ng gamit ng iba, lalo na sa mga personal na bagay tulad ng diary. Pero ewan niya ba, parang may kung anong pumipigil sa kanya na ibalik iyon. Gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng buhay meron siya, palusot niya sa sarili habang kinuha ang diary sa gilid ng kama.
Dahan-dahan niyang binuksan iyon at nagsimulang magbasa.
“Hi, My Dearest Diary,
Guess what? Nakita ko si Calix nung kasal ni Kuya Aiden at Ate Lyka! Siya ang best man, at ako naman ang maid of honor. Bukod sa guwapo, ang tahimik pa niya. Habang tinitingnan ko siya, parang ang sarap niyang magmahal. Suplado kasi siya, pero alam mong gentleman. He’s so perfect.”
Napakunot-noo si Drew habang binabasa ang bawat linya. Hanggang sa mapadiin ang hawak niya sa diary, sabay irap. “What the—perfect daw?” inis niyang sabi, sabay bagsak ng diary sa kama.
Napasandal siya, napapailing. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang ang inis ko? Pinilit niyang ngumisi pero halata ang pagkairita. “Bakit ako nagseselos?” mahina niyang sabi, sabay tawa ng pilit. Hindi nga kita nililigawan ah, pero bakit parang gusto kong burahin ‘yang si Calix sa utak mo?
Napailing siya ulit at tinakpan ng unan ang mukha. Pero kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata, ang pangalan lang ni Almira ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya.