Lorraine's POV "Mabuti naman at pina-unlakan nyo ulit akong dalawa. Hali kayo! Nag-prepare ako ng masarap na dinner para sa inyo. Mamaya na kayong madaling araw umuwi." Papasok pa lang ang sasakyan ni Lumiere sa gate ay malugod na agad kaming sinalubong ni Donya Esmeralda. Siya pa mismo ang nagbukas ng pintuan sa tapat ko at inalalayan pa ako sa aking pagbaba. "Mom, sandali lang kami. Inihatid lang namin itong si Manang dahil sabi mo raw ay sesesantihin ko siya kapag hindi kami sumama sa kanya papunta rito." "Sinabi ko ba yun sa'yo, Linda?" "N-naku! Hindi po. Sorry po, Sir." Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtanggi ni Manang Linda. "Basta mom. Inihatid ko lang si Manang Linda. Aalis na din kami ni Lorraine." "Aba! T-teka! Teka! Huwag muna kayong umalis! Stay kayo kahit

