Lorraine's POV Nung araw ding iyon ay sinimulan ko na ang paglalaba ng mga damit namin. Inihiwalay ko na ang puti sa de-color at nag-ipon na rin ako ng maraming tubig. Naghilera ako ng batya sa likuran ng bahay namin at pinuno ko yun lahat ng tubig. Mano-mano ang gagawin kong paglalaba dahil wala naman kaming washing machine. Isa pa, ang sabi ni nanay sa akin ay mas malinis daw ang damit kapag kinukusot gamit ang mga kamay o kaya ay bina-brush sa tabla. Bata pa lang ako ay busog na ako sa turo ng aking ina at ama. Punong-puno ako ng mga pangaral mula sa kanila pero hindi naman talaga natin masusunod ang lahat ng iyon dahil darating talaga tayo sa punto na tayo pa rin ang magdedesisyon para sa ating mga sarili. Sinilip ko ang cabinet namin sa kusina. Mabuti na lang at may mga stock p

