Lorraine's POV At habang binabasa nga ni Lumiere ang diary ko ay para bang bigla akong bumalik sa panahong palagi niya akong kinukulit at hindi ako tinitigilan. *Flashback!* "Huy! Nandyan na naman siya, oh?" Turo sa akin ni Mitz gamit ang nguso niya. "Sino?" Tanong ko habang busy ako dahil may hinahanap ako sa bag ko. "Sino pa? E di si Lumiere? Ang masugid mong manliligaw?" Mitz rolled her eyes. "Huh? Nasan? Itago mo ako! Dali!" Nagmamadaling nagsumiksik ako sa likuran ni Mitz dahil ayaw kong magpakita kay Lumiere. Sobrang nahihiya kasi ako sa kanya. "Oh, ayan! Pinagkaguluhan na naman siya ng mga babae!" Naiinis na sambit ni Mitz habang pinapaalis niya ako sa likuran niya. Kusa akong umalis. "Bakit ba ayaw mo pang sagutin kung gusto mo naman siya?" "Hindi ko siya gusto, Mit

