Lorraine's POV Buong pwersa ko siyang itinulak at sinampal ng ubod ng lakas! "Bastos!" Malakas na sigaw ko sa pagmumukha niya saka nagmamadaling pumasok na ako sa kwarto ni Lumiere. Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ang bagay na iyon. Ano bang akala niya sa akin? Na kagaya ako ni Raine na basta na lang pumatol sa kanya? Ini-lock ko ang pinto at hindi na ako lumabas pa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ito na nga ba ang ikinakatakot ko kaya ayaw kong maiwan ako ni Lumiere dito na mag-isa! Nagmamadaling kinuha ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Lumiere. Tinawagan ko agad siya. Nakailang ring na pero hindi pa rin siya sumasagot. "Come on, Lumiere! Pick up your phone!" Gigil na sambit ko. Napuno ng takot ang puso ko na baka kapag lumabas ako ng silid na ito ay ulitin ni

