IAN P.O.V Matapos ang nangyari kay shan ayaw ko nang ulit mangyari yun muntik na siyang madamay dahil siya lang ang gusto kong makuha wala akong paki sa lalaking asawa na niya kaya ko siyang makuha sa sarili kong paraan na hindi ko kailangan masangkot sa Aizen group kaya napagpasyahan kong aalis sa grupo nila kung ganon lang sana kadali makaalis pero bahala na pupuntahan ko na sila nang matapos na ito alang alang Sa proteksyon ni Shan "Oh Bro naparito ka?" Bungad ng isa at ginaya ako papasok "May sasabihin lang ako..." kahit na kinakabahan ay nagpatuloy ako "Ano naman yun?" Nagsimula na siyang magtaka "Justin sino yan?" tanong ng isang nakatalikod at abalang nag babaraha Sa katapat nito "Nandito si Ian Bro.."sambit ng gumiya saakin at inakbayan ako kaya napalingon silang dalawa n

